May mas tamang panahon?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2020 - 12:00am

KAILANGAN nga bang pagandahin ang Manila Bay sa panahong ito? Ito ang tanong nang marami sa isinasagawang “beautification” project ng DENR. Nagtatambak ng tone-toneladang puting “buhangin” sa isang lugar sa Manila Bay para lang pagandahin ang lugar. Ang halaga ng proyekto ay P389 milyong piso. Siguradong sumi­sigaw ang mga naghihintay na naman ng ayuda mula sa gob­yerno dahil sa pandemya. At hindi pala tunay na puting buhangin tulad ng Boracay kundi pinong dinudurog na batong dolemite.

Ang pinagmulan ng dolemite ang iniimbestigahan na dahil sa Cebu umano nanggaling pero ni walang koordinasyon o paalam ang DENR sa lokal na pamahalaan ng Cebu. Binigla na lang daw sila. Tila ninakawan sila dahil walang kapalit. Pero ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Central Visayas ang nagbigay umano ng permit para maghakot ng 3,500 tons ng dolemite mula Alcoy, Cebu patungong Manila.  

May mga eksperto sa kalikasan ang tutol din sa pro­yekto dahil nakasasama umano sa kalikasan. At dahil madalas tamaan ng malalakas na bagyo ang Manila Bay, hindi raw magtatagal ang pinagandang baybayin dahil aanurin lang ang artipisyal na buhangin. Pero isang metro raw ang kapal ng buhangin ayoin sa DENR at may mga ilalagay na tubong-tela para maiwasan o mabawasang anurin ang buhangin. Sa madaling salita, kahit hindi sinabi ng DENR, lalagyan nila ng buhangin ang lugar kapag tinamaan ng bagyo. Magkano naman ang bawat toneladang idadag­dag kapag inanod? Masama rin daw ang dolemite para sa mga isda sa Manila Bay.

Sa lahat ng mga dahilan ng pagtutol sa proyekto, para sa akin ay ang halaga nito ang hindi katanggap-tanggap. Daan-daang milyong piso para sa pampaganda na hindi siguradong tatagal? At magkano naman para panatilihin ang lugar? Kinukuwestiyon din ang budget ng proyekto na ayon sa isang grupo ay pinalobo kumpara sa tunay ng halaga ng trabaho at buhangin na gagamitin. At ganun ulit, para pampaganda lang? Hindi ba’t may mas tamang panahon para gawin iyan?    

DENR MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with