Lokal na ekonomiya, palalakasin pa
#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2020 - 12:00am

Inilatag kamakailan ng aking pamunuan ang mga bagong panuntunan para maging mas ligtas ang dine-in services sa mga restaurant at iba pang mga kainan sa Makati, para sa kapakanan ng mga kostumer at mga food server.

Bukod sa pagtatakda ng bilang ng kostumer sa bawat­ mesa at agwat ng mga upuan at mesa, pinayagan din namin ang pag-order ng limitadong dami ng alak o katulad na alcoholic beverage kasama ng inorder na “full meal” ng dine-in customer. Ang isang full meal ay binubuo ng main dish, salad o gulay, pasta/noodles, at may kasamang appetizer, side dishes o dessert. Mahigpit namang ipinag­babawal ang pagbili ng nasabing mga inumin kasama ng take-out orders.

Napagpasyahan naming pagbigyan ang kahilingan ng mga may-ari ng mga restaurant at kainan na magkaroon ng naturang exemption mula sa bagong ordinan­sang nagbabawal sa pag-inom ng alak o anumang alco­holic beverage sa labas ng sariling tahanan. Dagdag-kita rin kasi ito lalo na’t hindi pa maaaring ibalik sa dating kapa­sidad ng establisimiento ang bilang ng diners na puwe­deng makapasok. Ganunpaman, sila ay inaasahan naming­ susunod sa itinakdang guidelines upang matiyak­ ang kaligtasan ng mga kliyente at empleyado nila sa lahat ng oras.

Lubos naming nauunawaan ang pangangailangan ng mga negosyo sa lungsod para sa angkop at napapanahong suporta mula sa pamahalaang lokal, upang sila ay tulungang makabangon mula sa krisis at manatiling bukas sa kabila ng pandemya.

Ito rin ang dahilan ng aking ipinalabas na Executive­ Order No. 23 alinsunod sa curfew ordinance ng Makati­, kung saan tinukoy ko kung sinu-sino ang mga exempted sa curfew ng lungsod na itinakda simula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Nakapaloob din sa aking­ bagong kautusan ang pagbibigay ng “travel window” hanggang 11:00 ng gabi para mabigyan ng sapat na panahong makabalik sa kanilang tahanan ang mga mamamayang nanggaling sa restaurant o iba pang establisimento sa lungsod. Kailangan lamang ipakita ang resibong may naka-stamp kung anong oras sila lumabas.

Sa harap nang matinding krisis na ito, napakahalaga ng mga negosyo bilang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan upang maipagpatuloy ang mga programa at serbisyo sa mamamayan. Marapat lamang na bigyan sila ng kaukulang suporta upang umunlad at patuloy na maging kaagapay sa pagtataguyod ng matatag na ekonomiya at maunlad na bayan.

EKONOMIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with