_ngayon
^

PSN Opinyon

‘May makukuha ba kami diyan sa Davao City?’

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

“Bakit? May makukuha ba kaming boto diyan sa Davao pagpupunta kami?”

Eto ang sagot ng isang PR man sa akin nang tinanong ko siya kung kailan pupunta ng Davao ang political party nila upang mangampanya para sa general elections noong 2016.

Ang dahilan niya kasi ay si dating Mayor Rodrigo Duterte    na tumakbo sa pagkapresidente noong 2016 kaya maging alin sa apat pang ibang kontra-partido ni Duterte ay nawalan na rin ng ganang mapagawi rito sa Davao City upang idaos ang kanilang rally o miting-de-avance.

Matagal ko na kasing kaibigan ang mga PR ng mga political parties at maging ng mga politicians o maging anong partido man sila.

Kaibigan ko rin ang mga principal nila – ang mga pulitikong tumatakbo tuwing may halalan lalo na para sa national positions.

At parating tumatawag ang mga PR men para mangumusta o upang abisuhan kaming nasa local media sa sche-dule nila kung sakali mang mapagawi sila sa lugar namin.

At noong midterm elections ng 2019, ganun pa rin ang nangyari na wala na namang partidong taga-oposisyon ang naging matapang na magawi rito sa Davao CIty.

Ito ay dahil pa rin sa tanong na “bakit may makukuha ba kaming boto diyan sa Davao City?”

Inaamin ng mga PR na mahirapan silang pumasok ng Davao CIty dahil nga raw “Duterte country”  ito sa timog Mindanao o katimugang parte ng bansa.

Sa 2022 muli tayong magkaroon ng national elections na kung saan ihahalal natin ang papalit kina Duterte, Robredo at mga senador kasabay ng local elections.

Ngayon ang tanong ay gaya pa rin ba ng dati ang maging attitude ng ibang partidong political na iiwasan nila ang Davao CIty dahil nga sa paniniwala nilang wala silang mahihitang boto rito sa katimugan?

Kaabang-abang nga ang 2022.

DAVAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with