Pag-aaralan daw
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2020 - 12:00am

May napili na si President Duterte para pamunuan ang PhilHealth na lubog sa alegasyon ng katiwalian. Siya ay si Dante Gierran na dating direktor ng NBI. Agad niyang inamin na wala siyang alam sa public health at hindi niya alam ang operasyon ng PhilHealth, hindi tulad sa NBI kung saan siya nagtrabaho ng 27 taon bago naging direktor. Hinimok ang publiko na bigyan siya ng pagka­kataong linisin ang PhilHealth para mawala na ang deka-dekadang mga katiwalian. Pag-aaralan daw niya ang public health matapos umani ng batikos kung bakit siya ang pinili.

Malaking trabaho at sakit ng ulo ang hinaharap ni Gierran. Binigyan ang sarili ng dalawang taon para linisin ang PhilHealth. Sana hindi raw siya maimpluwensiyahan sa ahensiya. Inutusan siya ni Duterte na balasahin ang mga regional vice presidents.

Tila pahiwatig ni Duterte ay sa kanila nagmumula ang korapsyon sa ibang rehiyon. Masyadong pamilyar na sa kalakaran kaya nahahanapan ng paraan para sa katiwalian. Dapat ang mga malinaw na sangkot sa katiwalian ay sibakin na at kasuhan, huwag nang ilipat sa ibang rehiyon. Hahanap lang muli ng paraan dahil nasanay na nga sa mabilis at madaling pera.

Ayon kay dating PhilHealth chief Ricardo Morales ang dapat imbestigahan ay ang mga ospital at doktor dahil doon nagaganap ang korapsyon. Sang-ayon din ako riyan, pero hindi rin mangyayari iyan kung iniimbestigahan ng PhilHealth ang mga singil nila.

Mga dialysis center na paborito umano ng ilang opisyal ng PhilHealth ang nais namang imbestigahan ng Senado. Ito na ang pagkakataon nila para linisin ang pangalan at imahe nila kung hindi sangkot sa katiwalian. Gaya nang ginawa ng Wellmed Dialysis Center. Ibang kompanya naman ngayon.

Ayon naman kay DOH Sec. Francisco Duque, hindi siya dapat managot dahil sa prinsipyong “command responsibility”. Si Duque ay chairman ng PhilHealth, pero ayon sa kanya, dahil may presidente at CEO ang ahnesiya, ang mga ito ang dapat managot. Wala rin daw siyang kapangyarihan para bumoto at magdesisyon dahil may mga board members.

Ano pala trabaho niya? Tumatanggap ba siya ng sahod bilang chairman kung tila wala naman pala siyang kapangyarihan? Bakit pa may chairman kung hindi mananagot sa kahit anong pagkakamali? Baka panahon na para pag-aralan ang organisasyon. Malinaw na may hindi tama sa organisasyon kung madalas nasasangkot sa katiwalian.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with