^

PSN Opinyon

Hamon sa paglahok ng publiko sa national budget hearing

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

“Babantayan ko ang kaban ng bayan!” eto ang matapang na pahayag ni ACT-CIS Partylist 1st Representative Eric Yap kahapon sa aking programang BITAG Live.

Malaking hamon kay Rep. Yap ang pagiging Appropriation Committee Chairman ng ating kongreso. Aniya, hindi natatapos ang kanyang responsibilidad sa pagbi­bigay o pag-a-allocate ng budget lamang.

Maganda ang binuksang plano ng Kongreso hinggil sa nalalapit na budget hearing. Gagamitin ang “social media” para makalahok ang publiko sa tamang paglalaan nitong P4.5 trillion national budget.

Matatandaan na noong panahon ni dating Pres. Noynoy Aquino (PNoy), mayroong tinatawag na Bottoms Up Bud­geting (BUB).

Ibig sabihin, mula ibaba paitaas ang monitoring ng budget. Bawat departamento, may nakalatag na Program Activities and Projects (PAPS) para makita ng mga “watchdog” kung saan nakalaan ang pondo.

Napakaganda ng konsepto ng programang ito. ‘Yun nga lang, ginamit sa eleksiyon para pabanguhin ang dating­ pamunuan ng Department of Interior and Local Government.

Kaya itong panghihikayat ng Kongreso na sumali ang publiko sa paglalaan ng pondo sa pamamagitan ng social media, nakaantabay ang BITAG para sa mas detalyadong mechanics.

Paliwanag ni Rep. Yap, iniimbitahan ng Kongreso ang lahat ng sektor tulad ng non-government offices (NGO) na maging involved at aktibo sa pagdinig ng budget hearing. Anumang suhestiyon umano ng bawat sektor ay pakikinggan ng Kongreso.

Aniya, ito’y isang paraan upang pulsuhan ang top 5 na pangangailangan ng taumbayan na paglaanan ng budget. Dito rin malalaman kung may pagkukulang at dapat ibahin na prayoridad sa pagtatalaga ng budget.

Simula ngayong araw, bakbakan na ng pagdinig sa national budget. Aabutin umano ng isa hanggang dalawang buwan ang isasagawang budget hearing.

Dagdag ni Rep. Yap sa BITAG, ‘wag mag-alala ang taumbayan. Ngayong siya ang Appropriate Committee Chairman, sisiguraduhin niyang lahat nang perang gagastusin, lahat nang buwis na binabayad ng bawat Pilipino ay magagamit ng tama.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with