^

PSN Opinyon

Palaban na ba tayo sa China?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nasaan si Presidente Duterte ngayon? Hindi natin­ nari­rinig ang kanyang mahalagang pahayag sa seryosong problema ng Pilipinas at Tsina. Tanging si Defense Sec. Delfin Lorenzana lang ang nagsasalita. Kunsabagay, ma­gandang indikasyon na pinapalagan na natin ang mga pang-aabuso sa atin ng Tsina. Pero tanong ko, sino ang humahawak ng baton? Nasaan ang Presidente?

Tila nagbabago na ng linya ang pamahalaan. Muk­hang­ handa nang lumaban. Sa nakalipas na kolum natin, tina­lakay ko ang panukalang batas na maglilimbag sa mapa ng Pilipinas sa pasaporte ng mga Pilipino at dito’y isasali ang kabuuan ng West Philippine Sea (WPS) at Sabah.

Ngayon naman, tahasang inakusahan ni Secretary Lorenzana ang China na ilegal na umuokupa sa maritime territory ng Pilipinas. Dagdag pa niya, ang ipinamamarali ng China na may historical rights ito sa WPS ay kathang isip lamang ng mga Itsik. “Their so-called histo­rical rights over an area enclosed by their nine-dash line don’t exist except in their imaginations,” pagdidiin ng Ka­lihim ng Tanggulan. Nungkang narinig natin ang mga salitang iyan sa labi ni Duterte.

Ilang araw lang ang nakakaraan, naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa ilegal na pagkumpiska ng coast guard ng China sa kasangkapan ng mga Pilipinong mangingisda sa pinag­tatalunang teritoryo.

Noong 2012, nagkaroon ng stand-off ang mga pu­wersa ng Pilipinas at China sa Panatag Shoal na pangunahing pinagkukunan ng isda ng mga kababayan natin. Sa kabila ng arbitral ruling ng United Nations Tribunal na nagsasabing sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) natin ang karagatang yaon, patuloy na ginigipit ng nga Intsik ang mga Pilipinong nangingisda doon. Ang pamahalaan natin tameme lang.

Ang nakapagtataka, tila ang administrasyong Duterte ay nakapanig pa sa mga Itsik.  Si Duterte mismo ang tahasang nagsabi na siya ay “inutil” sa problemang iyan porke hindi natin kayang sumagupa sa isang digmaan.

Nasaan nga kaya si Tatay Digong sa harap ng problemang ito? Simula na ba itong tinatawag na Revolutionary Government upang ikudeta ang sarili at ang ipapalit ay sarili din?

vuukle comment

SEC. DELFIN LORENZANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with