Nawawalang misis (Huli sa 2 bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2020 - 12:00am

SA kabila ng desisyon ng RTC na dapat ay agad ipatupad, humabol ng pagsasampa ng petisyon ang Solicitor General bilang abogado ng Pilipinas para maipawalang bisa ang desisyon ng RTC na patay na ang asawa ni Mark na si Lyn. Ayon sa SolGen, hindi napatunayan ni Mark na ginawa niya ang lahat ng paraan para mahanap si Lyn at masabi kung buhay pa nga ang babae. Hindi raw sapat ang naipakita ni Mark para sabihin na naniniwala talaga siyang patay na ang misis.

Pero kinatigan ng CA ang RTC. Iyon nga lang, pag-akyat sa SC ay nabaliktad ang desisyon at isinantabi.

Ayon sa SC, hindi naman itinatanggi ng Republika ang katotohanan sa mga paratang ni Mark partikular na hindi na niya mahanap ang kinaroroonan ni Lyn. Ang isyung legal dito ay kung totoong napatunayan ni Mark ang kan­yang paniniwala na patay na talaga ang misis.

Para makasunod sa dikta ng batas, sinalaysay ni Mark na ang paniniwala niya sa pagkamatay ng kabiyak na re­sulta ng kanyang masigasig na paghahanap at pagta­tanong. Pero sa kasong ito, ang antas ng paghahanap ni Mark ay kulang sa hinihingi ng batas.

Hindi naipakita o nasabi ni Mark kung gaano kalawak ang ginawa niyang paghahanap. Hindi rin niya natukoy kung sinu-sino ang mga kamag-anak ni Lyn na kanyang tinanong at kung ano ang nalaman niya sa kanila. Hindi rin humingi ng tulong si Mark mula sa mga pulis para mahanap si Lyn sa kabila ng sampung taon nitong pagkawala. Panghuli, hindi nasagot ang paratang ng mga kamag-anak ni Lyn na nakikisama na sa ibang lalaki ang babae at hindi na siya babalikan dahil sa matinding kahi­hiyan.

Pinatutunayan nito na ayaw lang talagang magpakita sa kanya ng kabiyak. Kaya walang rason para sa paniniwala niyang patay na ang babae. Hindi talaga dapat pagbigyan ang petisyon ni Mark (Republic vs. Quinonez, GR 237412, January 6, 2020). 

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with