^

PSN Opinyon

Duterte, mananatili pa sa kanyang hometown

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Para na ring ikinulong si Pangulong Duterte dito sa kanyang hometown sa Davao City sa pagsisikap na hindi siya mahawahan ng Coronavirus Disease-2019 (COVID-19).

Ang hirap na siguruhing mananatiling COVID-negative ang Presidente dahil nga exposed siya sa maraming tao lalo na sa mga kapwa niyang government workers at officials.

Trabaho  ng Presidential Security Group (PSG) na maigting na maipatupad ang lahat ng security at health protocols na may kaugnayan sa Presidente.

Kaya nga nang magsimula ang COVID-19 pandemic, siniguro ng PSG na limitahan ang public engagements ng Presidente maging ang bilang ng meetings at conferences na dadaluhan niya.

Umuwi ang Presidente dito sa Davao City noong   Agosto 3 isang araw bago nag-modified general community quarantine (MGCQ) ang status ng National Capital Region (NCR), Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

At simula Agosto 3, hindi na nakabalik ng Malacanang ang Presidente kung saan siya ay namamalagi sa Bahay Pagbabago.

Dito na nga ginagawa ang meetings niya ngunit kung hindi naman gaano kahalaga, ipinauubaya  niya ang mga ito sa Cabinet members niya.

At muli namang pupulungin ni President Duterte ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force against Emer-ging Infectious Disease sa kanilang weekly meeting dito sa Davao City bukas ng hapon.

At gaya ng dati pagkatapos ng kanyang IATF  meeting, kakausapin naman niya ang bayan sa isang address to the nation upang ipahayag kung ano ang updates sa laban ng Pilipinas sa COVID-19.

Ang mga pangyayari ngayon ay nagpapahiwatig na med­yo matatagalan pa ang pananatili ng COVID-19 pandemic.

Tiyak din na magtatagal ang Presidente dito sa Davao City.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with