Maluwag na sa Iloilo at Capiz
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2020 - 12:00am

NAKAHINGA nang maluwag ang mga negosyante sa Capiz matapos ideklara ni Pres. Rodrigo Duterte ang Metro Manila, ilang lalawigan kabilang ang Iloilo City na nasa general community quarantine. Nanguluntoy kasi ang mga biyahero ng isda at seafoods nang higpitan ng local government units (LGUs) ang border ng Iloilo at Capiz. Sa totoo lang mga suki, ang Iloilo City ang business capital ng Panay island kaya nang higpitan ang border dahil­ sa tumataas na kaso ng COVID-19, malaki ang epekto nito sa negosyo ng mga Capiznon.

Kulang kasi ang isolation facilities ng Iloilo City para tugunan ang mga nahawahan. May kakulangan ang De­­­partment of Health at Inter-Agency Task Force dahil mara­ming nakalusot na OFWs at LSI na carrier ng virus. At nga­yong GCQ na ang Iloilo City naging maluwag na ang border at muli nang naibiyahe ang mga isda at lamandagat ng Capiz. Kaya mga kasimanwa, huwag maging pabaya sa sarili, palaging mag-facemask, face shield at pairalin ang social distancing.

* * *

Naging maingay na usapin sa Iloilo City ang pagbalewala sa apela ng Panay Electric Company (PECO) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maibalik ang Certificate of Convenience and Necessity (CPCN) na muling makapag-operate bilang distribution utility (DU). Base ito sa paglilinaw ni dating Parañaque Rep. Gus Tam­bunting sa inihaing supplemental motion for reconside­ration ng PECO sa ERC noong Mayo 22 kung saan hini­hiling nitong mabalik ang kanilang operational permit para sila muli ang maging power supplier sa Iloilo City sa katwirang walang technical competence ang kasaluku­yang DU na More Electric and Power Corp (More Power).

Sabi ni Tambunting, dating Vice Chairman ng House Committee on Legislative Franchises, kahit maibaik ang operational permit ng PECO ay wala na itong pinaghahawakang legislative franchise. Ipinaliwanag ni Tambunting na ang More Power ang may legislative franchise na ginawad ng Kongreso at inaprubahan ng Malacanang at ito lamang ang natatanging DU na makapag-ooperate sa Iloilo. Sabi pa ni Tambunting hindi na umano puwedeng ipagpilitan ng PECO ang kanilang serbisyo dahil natapos na ito.

Dumepensa naman si More Power President and CEO Roel Castro sa tactics ng PECO na ipinalalabas na walang alam ang More Power sa pagpapatakbo ng power company. Sabi ni Castro, sa 142 empleyado ng More Power ay 70 sa mga ito ay pawang  technical team mula sa PECO na kanilang inabsorb at ngayon ay regular employees na rin ng kompanya. “There’s no point of saying na hindi alam ng More ang pagpapatakbo ng power company, nagbago lang ng management at resources pero we have the same technical people and engineers manning the whole system,” sabi ni Castro.

COVID-19 RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with