Pooled Testing

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2020 - 12:00am

Dumating na ang mga makinang gagamitin sa Pooled Testing, isang inisyatibo ng pribadong sektor sa pangu­nguna ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion. Meron pa ring mga diskumpiyado sa rapid test na dugo ang inieksamen. Ang mga RT-PCR swab test naman ay sobrang mahal o ‘di kaya’y sobrang tagal ang resulta. Itong Pooled Testing ang tinatayang solusyon upang maging mas mabilis, mas mura at mas episyente ang sis­tema.

Tipid ito sa piyesa, sa testing staff at sa pagka-tengga­ sa laboratory. RT-PCR swabs pa rin ang gagamitin subalit­ imbes na isang test ang gamit kada-tao, isasabay na at isasalin ang swab mula lima hanggang 10 katao sa iisang test kit. Kapag negative ang resulta, ibig sabihi’y lahat ng lima hanggang 10 ay pasado na.

Iyon sanang pinapatak na SARS COV re-agent sa 5-10 tests ay minsanang ipapatak sa iisang test. Tipid No. 1. Iyong oras na gugugulin sa 5-10 test kits, mas bibilis dahil iisang test na lang. Tipid No. 2. At ang extra man­power para suriin ang test ng 5-10 katao, hindi na kaila­ngan dahil iisang test ang susuriin. Tipid No. 3. Ang pinaka­malaking savings dito ay yung sa SARS COV re-agent dahil ito talaga ang mataas ang presyo.

Sakali namang positibo ang resulta, ibig sabihin ay mayroong isa or mahigit sa sampling set ang may tama. Saka lang i-testing ang bawat isa sa grupo. Hindi na kaila­­ngang i-swab sila muli dahil magagamit pa ang nauna na nilang swab.

Game changer kung tawagin ang ganitong panukala dahil mapapabilis at mapaparami ang testing, lalo na sa mga kritikal na sektor tulad ng frontliners at mga mangga­gawa, kawani at negosyanteng obligadong makipagsapalaran para mapatakbo muli ang ekonomiya.

Mag-uumpisa na ito sa Makati bilang pilot testing area. Suportado ito ng Ayala Corp., BDO Foundation, First Phi­­lippine Holdings Corp., GT Capital Holdings Inc., LTGroup Inc., Mercury Drug, National Grid Corporation of the Philippines, PLDT-Smart Foundation, RFM Corp., Unilab, Wilcon Depot, Yazaki-Torres Manufacturing Inc., at ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. sa pakikipagtulungan ng Go Negosyo.

SARS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with