^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Suspension lang sa bgy chiefs na kurakot?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Suspension lang sa bgy chiefs na kurakot?

Sinabi ni DILG Sec. Eduardo M. Año noong Lunes na 50 barangay officials ang nahaharap sa pre­ventive suspension dahil sa pangungurakot sa unang tranche ng social amelioration program (SAP) noong Marso. Nakikipag-ugnayan na umano si Año kay Ombudsman Samuel Martires para sa pagpapataw ng suspension sa 50 kurakot na barangay officials. Sa 50 opisyal, 13 ang taga-Metro Manila, 13 sa Ilocos, 10 sa Cagayan Valley, tatlo sa Central Luzon, at 11 sa Calabarzon.

Ayon sa DILG Secretary, may kabuuang 143 ba­rangay officials ang sangkot sa corruption. Ma­ta­tandaan na sinabi ni Año noong Mayo na hindi ma­ta­takasan ng mga corrupt na barangay officials ang batas. Mananagot ang mga ito. Sinira umano ng mga ito ang tiwala ng gobyerno at ganundin ng mga kabarangay kaya mabubulok sa bilangguan ang mga ito.

Bago pa ang pamamahagi ng unang tranche ng SAP, nagbabala na si President Duterte sa mga barangay official na huwag nanakawin ang perang ayuda sa mga mahihirap. Ipakukulong umano niya ang mga mangungurakot ng pondo. Pero sa kabila ng babala, maraming nangurakot. Halos kalahati ng SAP ay ibinubulsa ng mga corrupt barangay officials. Nasa P205-bilyon ang ipinalabas ng pamahalaan para pang-ayuda sa mga mahihirap.

Isa sa mga corrupt barangay official na nakunan pa ng video at napanood ng Presidente ay ang kagawad sa Hagonoy, Bulacan na si Reynaldo Flores. Kalahati lang ng SAP ang binigay ni Flores sa mga kabarangay. Nagmura ang Presidente nang mapanood ang ginawa ni Flores. Mahirap na nga raw ang mga tao ay ninanakawan pa ng kagawad. Matapos mapanood ang ginawa ni Flores, nag-alok ng pabuyang P30,000 ang Presidente sa sinumang ma­kapagsusuplong sa kanya ng mga corrupt na ba­rangay officials.

Nakapagtataka naman kung bakit suspension lamang ang parusa sa mga kurakot na barangay officials. Maliwanag ang sinabi ni Año at ni President Duterte na ipakukulong ang mga mangungurakot na barangay officials. Bakit ngayon ay suspension lang? Kung suspension, maaari pang makabalik ang mga ito sa puwesto at muling mangungurakot.

Hindi na dapat hayaang makabalik ang mga ku­rakot. Ikalaboso sila para maging leksiyon sa iba pang may balak magnakaw sa pera ng bayan.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with