^

PSN Opinyon

Ang dilemma ng pandemya

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nais ng medical at health sector na huwag munang luwagan ang ipinatutupad na mahigpit na quarantine sa bansa dahil nakaaalarma ang pagsirit sa bilang ng mga taong positibo sa COVID-19. Nangunguna na tayo sa Asya pero tila hindi matanggap ito ng pamahalaan. Nasa denial stage. Tinawag na nga tayo ng isang Thai newspaper­ na “land of COVID-19.” Masakit pero mukhang may kato­­tohanan.

Ang tugon lang dito ni Spokesman Harry Roque, paba­yaan na lang dahil kinikilala naman natin ang “freedom of speech” sa ating bansa. Ganyan ba, kapag dayuhan ang tumutuligsa ay kinikilala ang kalayaan sa pamamahayag­ pero kapag Pinoy ang pumuna sa mali ng gobyerno ay kinakastigo?

Pero sa kabila ng mga umuugong na rekomendasyon na huwag munang luwagan ang pinahigpit na kuwarentenas, mukhang tinututulan ito ni Presidente Duterte. Ang dahilan: wala nang pera para sustentuhan ang panganga­ilangan ng mamamayan na hindi makapagtrabaho sanhi ng lockdown.

Tutol din ang mga economic experts na ituloy ang ma­higpit na quarantine. Kaya ang dilemma ay kung ano ang susunding rekomendasyon: Ang nagmula ba sa health o economic sector? Mukhang Iyan ay “choice between the devil and the deep blue sea.”

Mahirap pumili, ‘di ba? Sabi ng Pangulo, dapat nang mag­trabaho ang mga mamamayan dahil wala nang pan­tustos sa kanilang basic needs ang gobyerno. Kaya ingat na lang tayo. Sabi nga ng kaibigan nating si Doc Willie Ong, tayo na ang gumawa ng karampatang pag-iingat.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with