EDITORYAL - DSWD, kinalimutan ang jeepney drivers?
EDITORYAL - DSWD, kinalimutan ang jeepney drivers?
(Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2020 - 12:00am

Sinabi noong isang araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mata­tapos na nila ang pamamahagi ng second tranche ng social amelioration program (SAP) sa Agosto 15. Siniguro ng DSWD na naaayudahan lahat ang mahihirap kabilang na ang mga hindi nakatanggap sa unang tranche. Kahapon, mahaba ang pila sa mga remittance centers. Sa Las Piñas, madaling araw pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga kukuha ng SAP. Mayroong inabutan ng ulan sa pila.

Ipinagmamalalaki ng DSWD na maayos ang kanilang pamamahagi ng 2nd tranche. Hindi umano nagkaroon ng kalituhan at ang pinakamaganda, lahat ay nakatanggap. Sabi pa ng DSWD, kahit pa magbigay ng 3rd tranche ngayong nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan, puwede pa. Kailangan lamang ay may go signal ng Kongreso. Hindi sila makakakilos sa pamamahagi ng 3rd tranche ng SAP kung walang batas na ipapasa ang Kongreso. Basta sabihin lang daw ng Kongreso ay tatalima sila.

Kapuri-puri ang maayos na pamamahagi ng 2nd tranche na matatapos na sa Sabado. Subalit may hinaing ang mga jeepney drivers na hindi raw sila nakakatanggap ng SAP mula sa DSWD. Ayon sa lider ng transport group na Piston na si Mody Florada, na wala silang natatanggap na ayuda sa DSWD. Ito ay sa kabila na nakipag-dialogue na sila sa DSWD at nakapagbigay na sila ng dokumento para maka­kuha ng ayuda. Dalawang beses na umanong na­ngako ang DSWD sa mga jeepney driver pero wala pa rin silang natatanggap.

Ayon pa kay Florada, dahil walang natatanggap na ayuda o SAP ang mga jeepney drivers, karamihan sa mga ito ay namamalimos na sa kalye. Humihiling din sila sa pamahalaan na payagan nang bumiyahe ang mga jeepney pero hindi sila pinakikinggan. Sabi pa ng Piston leader, humingi pa raw ng masterlist ng pangalan ng mga driver ang DSWD pero hindi pa rin sila nakatatanggap ng ayuda.

Sana, marinig ng DSWD ang panawagan ng mga jeepney drivers. Tulungan sila. Huwag silang kali­mutan. Nagugutom din ang mga ito. Kung kayang magbigay ng 3rd tranche, sana unahin ang mga dri­ver. Maawa naman sa kanila na tigil na ang pamamasada.

DSWD SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with