^

PSN Opinyon

Pasukan tuloy sa Agosto 24

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Para sa akin, hangga’t maaari ay huwag nang ipagpa­li­ban ang pagbubukas ng klase dahil mahalaga ang edu­kasyon sa ating mga kabataan. Pero kung ituloy man ito pero walang kahandaan ang sistema para sa on-line teaching, Ano ang ibubungang mabuti nito?

Siguradong mag-aaksaya lamang ng malaking pondo ang pamahalaan kung papalpak ang gagawing pagbubukas ng klase. Gaya ng tinuran ni ACT Secretary Ge­neral Raymond Basilio, hindi pa natutugunan ang kaila­ngang pondo at kulang pa sa kakailanganing gadgets at iba pang require­­ments gaya ng mga teaching modules para sa bagong sistemang ipatutupad.

Sa kabila nito, naninindigan si DepEd Secretary Leonor Briones na dapat ituloy sa Agosto 24 ang pagbubukas ng klase. Ito’y sa kabila ng pagtutol ng mga guro sa pam­pub­likong paaralan dahil sa kawalan ng sapat na prepa­rasyon para rito.

Tutol ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) dahil sa kakulangan umano ng kahandaan sa gitna ng umiiral pa ring COVID pandemic. Kaya umapela ang ACT sa DepEd na rebisahin ang plano nito o kaya’y ipagpaliban ang opening ng klase.

Ang tugon ni Briones, magbubukas ang klase gaya ng naunang itinakda. Tutal aniya, wala namang panganib na magkahawahan sa COVID dahil hindi naman magkakaroon ng harapharapan o face-to-face classes. Ngunit hindi iyan ang problema kundi ang kakulangan ng sapat na preparasyon para sa isang bagong sistema na wala pang kasanayan ang mga guro. Problema rin ang kakulangan ng mga pangangailangan tulad ng Internet at gadgets na gagamitin.

Ang nakikita kong scenario ay, ang mga guro ang mahi­hirapan ng husto kapag ipinagpatuloy ang pagbubukas ng pasukan. Malamang magkakaroon ng matinding confusion o kalituhan sa kanilang pagtuturo dahil sa kawalan ng mga malinaw na polisiya sa ipatutupad na bagong sistema.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with