Ika-labintatlo ng Agosto nang ‘saklutin ang Maynila’
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2020 - 12:00am

SA tulang “Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan­”, tumaghoy si Amado V.  Hernandez:

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha

Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:

Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,

Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,

Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,

Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila...

Moro-moro ang labanan sa Maynila ng Kastila at Amerikano nu’ng Agosto 13, 1898. Sa totoo nasakop na ng Katipunan ang mga sentro ng Pampanga, Tarlac, Bulacan, Morong, Tayabas, Batangas, Laguna, at Cavite. Napalibutan na nila ang Intramuros. Nakatulong ang pag­­lipol ni Commodore George Dewey sa armada ng Kastila sa Manila Bay, apat na buwan bago nu’n. Pero ang nagpatagumpay ay ang katapangan ng Katipunan. Nasa mahabang hukay sila mula labas ng Intramuros hanggang Pasay, sa ilalim ni Heneral Pio del Pilar. Sa loob ng kuta nanginginig na nagpaabot ng mensahe ang mga Kastila kay Dewey. “Sa iyo kami susuko,” anila, “hindi sa mga indio na baka kami katayin.”

Pinatabi ni Dewey ang mga Katipunero, at pumasok sa Intramuros ang tropa niya. Nagkaroon ng konting putukan­ -- kunwari’y labanan. Tapos ibinaba ang bandila ng España at itinaas ang sa Estados Unidos. Mula nu’n nilupig ng Amerikano ang Pilipinas.

Ngayon nagkukunwaring kaibigan ang China pero binu­busabos ang Pilipinas. Kakutsaba ng mga nagha­ha­ring Komunista sa Beijing ang mga taksil na nagpa­papasok sa kanila sa ating karagatan. Ibinabalato sa dayuhan ang ating ekonomiya at pulitika. Taghoy ni Ka Amado:

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang....

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

TULA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with