Task Force huwag pakitang-tao lang
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

Sa atas ni Presidente Duterte, bubuo ng isang task force ang Department of Justice para imbestigahan ang Php 15-bil­yong anomalya sa PhilHealth.

Para saan? Para ipakita sa tao na may ginagawa ang pama­halaan sa maituturing na monumental thievery sa na­tu­­rang ahensya? Ok iyan kung talagang malalapatan ng karampatang parusa ang mga kasangkot sa tinagu­riang PhilHealth Mafia na lumustay sa kontribusyon ng mga kasapi sa naturang ahensya.

Sa laki ng halagang nadespalko, pasok na pasok iyan sa plunder na pinapatawan ng pinakamabigat na parusang habambuhay na pagkakulong, at kung may parusang bitay, tiyak na tepok ang mga nagkasala.

Pero paanong hindi pagdududahan ng taumbayan ang sinseridad ng administrasyon para mapanagot ang mga salarin gayung sa simula pa lang ay naghayag agad ang Pangulo na hindi nawawala ang tiwala niya sa namumuno sa ahensya na si retired General Morales?

Kagaya siya ni Health Secretary Duque na sa kabila ng mga kapalpakan sa Department of Health ay nanana­tili pa rin sa puwesto dahil “trusted” ng Pangulo. Nagba­kas­yon nga pero hindi dahil sa anomalyang pinag-uusapan natin kundi dahil sa problema niya sa kalusugan. Iyan lagi ang nangyayari kapag may maselang usaping legal sa mga opisyal ng gobyerno: laging nagkakasakit.

Kaya kung bubuo uli ng investigative task force, huwag lang sanang pakitang-tao kundi talagang seryoso para mag­tamo ng hustisya para sa milyong kasapi ng PhilHealth na ang kontribusyon ay walang awang dinugas ng mga taong dapat sana’y pagkatiwalaan nila.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with