EDITORYAL - Isalba ang PhilHealth
EDITORYAL - Isalba ang PhilHealth
(Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2020 - 12:00am

Nangangamoy corruption sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) pero patuloy naman itong itinatanggi ng pamunuan. Nagkaroon na ng hearing ang Senado noong nakaraang linggo at sabi ng isang dating opisyal, may sindikato sa PhilHealth at ang mga ito ang dahilan sa pagkalustay ng P15-bilyong pondo.

Ayon kay Thorsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth, ang natuklasan niyang anomalya sa ahensiya ay maituturing na “krimen ng taon”. Minamaniubra umano ng sindikato ang interim reimbursement mechanism at procurement ng “overpriced” information and communication equipment.

Sa pag-iimbestiga naman ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), natuklasan nila ang mga iregularidad sa PhilHealth at inihahanda na nila ang pagsasampa ng kaso sa 36 na opisyal ng ahensiya, kabilang dito ang 10 board members, 11 officials mula sa executive committee at iba pang central office units at 15 iba pa sa regional offices.

Sabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, nirekomenda na nila kay President Duterte ang pagsasampa ng corruption cases sa 36 na opisyal ng PhilHealth.

Nakadidismaya ang nangyayaring ito na matutuyuan ng pera ang PhilHealth dahil sa katiwalian ng mga opisyal. Ang labis na kawawa ay mga miyembro na naghuhulog ng premium pero kapag kailangan na nila sa emergency ay wala na pala silang aasahan dahil simot na ang pondo ng ahensiya dahil sa corruption.

Sabi minsan ni President Duterte, makalanghap lang siya ng corruption sa isang tanggapan ng gobyerno, sisibakin agad niya ang sangkot. Bakit hindi niya gawin agad-agad ngayon. Higit pa sa langhap ang naaamoy na corruption sa PhilHealth ngayon – umaalingasaw na talaga.

Isalba ang PhilHealth sa lalo pang pagkalunod sa corruption. Kawawa ang mga miyembro kapag hindi ito nasagip sa kuko ng mga tiwaling opisyal. Nararapat na ang matinding reporma sa ahensiyang ito na noon pa nangangamoy korapsiyon.

PACC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with