^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ayudahan pa ang mahihirap

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ayudahan pa ang mahihirap

NGAYONG nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan na tatagal ng hanggang Agosto 18, nararapat lamang na bigyan ng ayuda ang mga mahihirap na apektado ng lockdown.

Sa ilalim ng MECQ, bawal ang pamamasada ng public transportation gaya ng bus at jeepney. Pati ang MRT at LRT bawal din. Limampung porsi­yento lamang ang establisimentong pinayagang mag­bukas­. Maski ang mga barber shop, salon, gyms at internet café ay sarado rin.

Saan kukuha ng perang ipambibili ng pagkain ang mga apektadong mamamayan lalo na ang mga drayber, konduktor at mga nagtatrabaho sa pabrika? Paano ang kanilang kabuhayan sa loob ng dalawang linggong naka-MECQ? Hindi ba sila kakain sa loob ng panahong ito?

Kapag nasa ilalim ng MECQ, mahigpit ding pinatutupad ang health protocol at dapat ay walang ga­gala o lilimayon. May quarantine pass dapat ang lalabas na residente para lamang makabili ng pagkain, gamot at iba pang pangunahing panganga­ilangan. Mayroon ding curfew at ang sinumang lalabag ay magmumulta.

Mahirap ang sitwasyon. At lalong mas mahirap para sa mga isang kahig at isang tuka. Paano sila kakain kung bawal lumabas? Paano kung maraming anak at kailangan talagang maghanap ng ilalaman sa tiyan.

Kailangang magbigay ng ayuda ang pamahalaan. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), puwede naman silang magbigay ng 3rd social amelioration program (SAP). Ang Kongreso lamang ang hinihintay nila para gawin ito. Kung lilikha ang Kongreso ng batas ukol sa pamamahagi ng 3rd SAP, agaran silang tatalima.

Sabi ni DSWD Usec Rene Glen Paje handa ang kanyang kagawaran na magkaloob ng third round ng SAP kung mayroon itong kaakibat na batas. Mayroon umanong nakahandang cash aid ang pama­halaan para ipang-ayuda sa mga walang-wala o mahi­hirap na mamamayan.

Puwede naman palang magbigay ng 3rd SAP. Dapat simulan na ang pamamahagi sa mga mahihirap. Dapat lang tiyakin ng DSWD na maayos ang pamamahagi at hindi mahahaluan ng korapsiyon. Hindi sana matulad sa unang SAP distribution na mga barangay officials ang nangurakot. Ipatupad na ang ikatlong round ng SAP.

vuukle comment

AYUDA

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with