^

PSN Opinyon

Parang awa n’yo na, itigil na ang corruption!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SANA makonsensya na ang mga mandarambong sa gob­yerno ngayong lugmok na lugmok na ang kalagayan ng ating ekonomiya.  Kahapon, napaksa natin ang nabulgar na katiwaliang umaabot sa halagang Php 15 billion sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)  na naging dahilan ng pagkabangkarote ng naturang ahensya. 

Biktima riyan ang mga milyun-milyong Pilipino na uma­asang matutulungan ng PhilHealth sa panahong kailangan nila ng medical care at assistance, lalu na sa panahong ito ng pandemic.

Nababahala ang Malacañang sa teribleng recession o pagbagsak ng ating ekonomiya dahil sa ipinatutupad na lock­down, dahilan upang maparalisa ang mga negosyo. Walang trabaho sa mga mamamayan, walang revenue na kikitahin ang gobyerno dahil wala ring kinikita ang mga negosyo.

Nagsimula ang pagsadsad ng ekomiya o recession sa second quarter ng taong ito. Iyan ay nung magsimulang atakihin ng COVID pandemic ang ating bansa at nilimitahan ng pamahalaan ang galaw ng mga tao na nakaapekto pati sa operasyon ng mga negosyo. Nahigitan pa ng Pilipinas ang economic recession na dinaranas din ng ating mga kalapit na bansa sa Asya gaya ng Indonesia, Thailand, Singapore, Hong Kong and Malaysia.

Nauunawaan natin na may global pandemic kaya hindi maiiwasan ang recession. Kahit ang mga pinakamaunlad na bansa ay nagiging biktima. 

Ngunit ang manguna tayo sa pinakamalubha ang situ­wasyon ay nakagagalit lalo pa’t iisiping marami pa ring mga opisyal sa gobyerno ang nagsasamantala at nagpapataba ng bulsa sa panahong ito ng krisis.

vuukle comment

CORRUPTION

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with