Ano na ang kinabukasan ng PhilHealth?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2020 - 12:00am

NAGSIMULA na ang pagdinig sa Senado sa umano’y mala­wakang katiwalian sa PhilHealth. At sa unang araw pa lang ay kumulo na ang dugo ko. Sino ang hindi magagalit sa mga pahayag na may 5,000 miyembro na ang edad ay nasa 130, at hindi nila matiyak kung buhay pa sila? Anong klaseng pahayag iyan, na nanggaling pa mismo sa presidente ng PhilHealth, Ricardo Morales?

Kung nakita na ang mga miyembro na ang edad ay 100 o higit pa, bakit hindi inimbestigahan? Gaano ba kahirap puntahan ang tahanan at kumpirmahin kung buhay pa nga? Kung nasa 100 taong gulang na hindi na siguro namamasyal ‘yan. Wala raw silang mga dokumento na nagsasabing patay na ang miyembro. Anong klaseng sagot iyan? Kung wala palang makukuhang dokumento pababayaan na lang nila “tumanda” hanggang 200 taon bago sila magtaka?  

 Magkakamot ka rin ng ulo sa sagot ni Morales na kaya nila kailangan ang IT System Development Program na nagkakahalaga ng P2.1 bilyon para matiyak ang identity ng miyembro sa pamamagitan ng biometrics. Pero may problema rin sa proyektong iyan na sinita na rin ng COA. Si Sen. Lacson din ang hindi makapaniwala sa mga presyo ng mga kailangan ng IT System na iyan. Ang nagkakaha­lagang P62,424 ay pinresyuhan ng P320,000. Ganun na ba katanga ang tingin ng mga opisyal na ito sa Pilipino? Na kayang palusutin ang mga ganyang presyo?

Lumabas din ang mga pinapaborang ospital, na nabibigyan kaagad ng tulong ng PhilHealth kahit hindi kwalipikado. May nakalaang pondo para sa mga ospital na maraming kaso ng COVID-19 pero ang nabibigyan pa umano kaagad ay mga ospital na iisa lang ang kaso. Pati mga pasyente umano ng dialysis nabibigyan pero dapat pang COVID-19 lang. Mga ospital sa Mindanao.

Hindi ko na alam kung ano ang kinabukasan ng PhilHealth kung ganito na tila may kanya-kanyang kampo ang sangkot sa katiwalian. Aakusahan ang kabila pero may kuwestyonable rin sa panig ng isa. May opisyal pang nagpaha­yag na baka hanggang 2022 na lang ang buhay ng PhilHealth kung magpapatuloy ang pandemya. Bakit ang pandemya ang sinisisi kung napakaraming isyu ng korapsyon? Akala ko pa naman malilinis na ang Philhealth noong nasiwalat ang “ghost dialysis” noong nakaraang taon. Wala rin pala.

Akala ko ba kung militar ang hahawak, malilinis na iyan. Hindi rin pala. Kaliwa’t kanan na ang akusasyon sa mga opisyal ng PhilHealth mula sa COA, PACC, mga dating opisyal. Tatlumpu’t-anim na opisyal ang pinakakasuhan ng PACC. Mangyari kaya? Ano na ang nangyari sa mga sangkot sa “ghost dialysis”?

Sana ay may mga lumantad pa nga at magbigay ng testimonya para masalba naman ang PhilHealth. Ganun pa man, may tiwala pa raw si Pangulong Duterte kay DOH Sec. Duque at PhilHealth  president Morales. Wala pa naman yatang “whiff of corruption”, hindi ba?    

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with