^

PSN Opinyon

Alupihan (80)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DALA ni Cris ang damit na naiwan ni Hani sa laundry area at ibibigay dito. Pero pag-akyat niya, eksaktong nakita niya ang pagpasok ni Gretchen sa room ni Diana. Hindi naman siya napansin ni Gretchen na para bang ingat na ingat sa pagtungo sa room ni Diana.

Ano kaya ang gagawin ni Gretchen doon?

Saglit na nag-isip si Cris.

Nagmuni-muni.

Naalala niya ang tagpo noon na nahuli niya ang mga ito sa isang hindi ka­aya-ayang sitwasyon. May mahalay na ginagawa ang dalawa sa kama. Nakahiga si Diana at nasa harapan niya si Gretchen!

Ganundin kaya ang ga­gawin nila ngayon?

Napalunok muli si Cris.

Posibleng ganun uli. May oras sila para gawin iyon dahil Linggo ngayon at wa­lang pasok.

O maaari namang mag­kukuwentuhan lang. Ka­ha­pon ay nakita niyang nag­kukuwentuhan ang mga ito pero hindi niya tiyak kung siya o si Hani ang pinag-u­usapan ng mga ito.

Hindi kasi niya ganap na naulinigan at saka wala namang pangalan na binanggit.

Ilang sandaling nag-isip si Cris.

Subukan kaya niyang silipin ang dalawa? Baka nakaawang uli ang pinto ng room ni Diana gaya noon.

Napabuntunghininga si Cris.

Nagtatalo ang loob niya. Alam niyang hindi maganda ang manilip. Nakakahiya kapag may nakahuli sa kanya habang nakasilip sa kuwarto. Kagalang-galang pa naman ang turing sa kanya.

Napabuntunghininga uli siya.

Nanaig ang sinasabi ng kanyang utak na silipin ang ginagawa ng da­lawa.

Luminga-linga muna siya. Walang tao.

Humakbang siyang dahan-dahan patungo sa room ni Diana!

Gusto talaga niyang malaman ang nangyayari sa loob. Hindi niya kayang suwayin ang utos ng kanyang utak.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with