Mag-live in partner na sangkot sa P10-M face masks scam, tiklo!
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

Kasabay ng pagkalat ng coronavirus disease (CO­VID- 19) sa bansa, sumabay din ang paglaganap ng online businesses.

Ang mga produktong naging prominente habang naka-lockdown ang buong bansa ay ang face masks, alcohol, face shields at gloves.

Tumaas ang presyo ng mga nabanggit kaya nagkulang ang supply ng mga ito sa merkado.

Kaya ang mga kawatan, eto ang ginawang kasangkapan para makapanloko.

Noong nakaraang Hunyo, nalambat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Laguna ang mag-live in partner na sina Enrico Mendoza at Blessie Mae Altoveros.

Ayon kay CIDG-Laguna Provincial Officer Maj. Lean­dro Gutierrez, sina Mendoza at Altoveros ang nasa likod ng P10-million face masks scam.

Isa sa mga biktima na mula pa sa Bacolod ang lumapit sa BITAG-Pambansang Sumbungan. Ayon sa biktima, natangayan siya ng P1.3-million nina Mendoza at Altoveros.

Ayon pa sa biktima, naengganyo siya dahil isang kila­lang brand ng face mask ang ibinebenta ng dalawa.

Nag-post umano ito sa Facebook at sobrang mura ang alok para sa bulk orders.

Dahil nagkakaubusan na ang face masks sa merkado noong Pebrero, agarang nagpadala ng pera ang biktima kina Mendoza at Altoveros.

Ang video ng mga face mask na ipinadala sa biktima ay kanya ring ipinadala sa kanyang mga kliyente na nag-advance order na.

Sa live stream airing ng Pambansang Sumbungan namin noong Lunes, dinagsa kami ng live chat ng mga biktima rin umano ng dalawang suspek.

Mayroong taga-Leyte, Dumaguete, Davao at Bacolod. Nakakalula ang halaga ng mga perang naloko. Yung isa, tumataginting na P5-million ang nakuha sa kanya ng mga suspek.

Sa kasamaang palad, nakapagpiyansa ang dalawang dorobo. Subalit lalabas na raw ang warrant of arrest sa mga suspek.

Payo ni Maj. Gutierrez, sinumang biktima nina Mendoza at Altoveros ay maaaring magsampa ng kaso sa CIDG sa kanilang lugar o probinsiya.

Makikipag-ugnayan ang mga regional o provincial CIDG sa Laguna upang pagsama-samahin ang mga kaso para tuluyan nang makalaboso ang dalawa. Sa loob ng preso, doon sila may forever.

Mapapanood ang buong detalye ng kasong ito sa BITAG Official YouTube Channel.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with