Mga salita na sumibol sa COVID-19 pandemic
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2020 - 12:00am

“Quatorzaine” ang 14 na araw ng paghiwalay. Galing ito sa wikang Pranses, tulad ng “quarantaine”, naging “quarantine” sa Ingles, ang 40 araw ng pagsarili. Sumibol umano nu’ng ika-12 siglo ang quarantaine mula sa 40 araw sa Bibliya ng pag-ayuno ni Hesukristo sa disyerto. Ito’y naging “quaranteno” sa Italyano nu’ng ika-14 siglo, para sa 40 araw na pananatili ng tripulante sa mga barko na dumadaong sa Venice, bilang pag-iingat kontra sakit. Ngayon ang “quatorzaine” ay eksakto para sa 14 na araw ng pagtago sa pasyenteng maaring impektado ng COVID-19.

“Geisterspiel”, ibig sabihin, ghost game sa wikang Aleman, pero mabilis pumasok sa Ingles nu’ng Marso. Kaila­ngan ng 22 manlalaro at tatlong referee sa football. Dahil wala ang libu-libong manonood, nauso muli at kumalat sa Uropa ang salita. Matagal nang ginagamit ang geisterspiel para sa mga laro na walang makapanood dahil sa kapal ng fog sa winter. Ang natitira lang ay ang masisigasig na radio announcers.

“Nibielai wowuyang” ay sinaunang kasabihang Tsino: “Sana walang masamang nangyari sa iyo mula nu’ng huli nating pagkikita.” Nakatala sa “Book of Changes”, ika-9 siglo. Maikling kahulugan: “Sana mabuti ka.” Ngayong C-19 naiba ang gamit: “Kung ‘di ka dumating, ‘di ako mapapasama.” Walang samaan ng loob; kailangan safe dis­tancing.

“Coronaspeck” ay salitang Uropeo para sa taba na dulot ng coronavirus. Ito’y dahil puro kain at walang exer­cise ang mga tao habang lockdown; work from home lang, walang eskuwela, libangan sa bahay ay pagluluto. Nagka­bilbil ang mga bata’t matanda, babae’t lalaki.

“Asymptangatik”, Tagalog para sa taong tanga pero hindi niya alam. Halaw sa asymptomatic, para sa maysakit pero ‘di niya alam dahil walang sintomas. Tulad ng “covi­diot” sa Ingles, ang asymptangatik ay pasaway na sumu­suway sa pag-iingat kontra C-19.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with