MECQ muli
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

Iniutos ni President Duterte noong Linggo ng gabi na isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan mula Agosto 4-18.

Nagkaroon ng meeting ang Gabinete para tala­kayin ang hiling ng Philippine Medical Association (PMA) na ilagay sa ECQ o MECQ ang Metro Manila dahil masasapawan na ang mga ospital sa rami ng kaso ng COVID-19 at pagod na pagod na ang medical frontliners.

Humiling ng “time out” para hindi sila tuluyang masapawan, makapagpahinga ang frontliners at para ma­­pag-aralan ang magandang hakbang para sugpuin ang tuluy-tuloy na pagdami ng kaso. Kung magpapa­tuloy ang kasalukuyang dami ng kaso, baka hindi na kayanin ng ating mga ospital at frontliners.

Nasa 115,000 na ang bilang ng mga positibong kaso. Libu-libo ang nagpopositibo nitong nakaraang linggo. Ayon sa isang kaibigan na doktor, tila war-zone ang ospital.

Ngayong MECQ muli ang Metro Manila, sarado muli ang halos lahat ng negosyo maliban sa mga grocery at botica. Wala ring opisina ang karamihan. Sarado muli ang bangko. Tigil ang turismo.

Bawal ang lumabas nang walang dahilan maliban sa medical na sitwasyon at tigil ang pampublikong trans­portasyon. Hindi ko pa alam kung ibabalik ang curfew.

Siguradong hindi magugustuhan ng mga negos­yante ang sitwasyon. Hindi rin magugustuhan ng mga emple­yadong umaasa sa sahod. Tigil muli ang ekono­miya na ayon sa iba ay hindi kakayanin ng bansa, hindi kakayanin nang maraming mamamayan.

Hindi ko rin alam kung makapagbibigay muli ng ayuda ang gobyerno sa mga mahihirap. Ang aking panalangin ay maging epektibo ang dalawang linggong MECQ sa pagbawas ng bilang ng mga kaso dahil sa sakripisyo na kailangang pagdaanan nang marami.

Hindi rin mababalewala ang dami at bilis ng mga positibong kaso mula nang sumailalim sa GCQ. Hindi naman nag-iisa ang Pilipinas sa bilis ng pagdami ng kaso magmula nang buksan ang ekonomiya.

Halos lahat ng bansa ay ganito ang nagaganap at may nagpatupad na rin ng sarili nilang lockdown. Buong mundo ang apektado ng virus habang wala pang linaw sa paglikha ng bakuna para labanan ito. Sana ay magkaroon na ng bakuna sa lalong madaling panahon.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with