^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Krimen ng taon’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Krimen ng taon�

Humarap kahapon sa pagdinig ng Senado ang nagbitiw na opisyal ng Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) at isiniwalat ang ano­malya sa ahensiya na dahilan nang pagkalustay ng P15-bilyong pondo. Ayon kay Thorsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth, ang natuklasan niyang anomalya sa ahensiya ay ma­ituturing na “krimen ng taon”. Mayroon aniyang sin­dikato sa PhilHealth na nagmamaniubra para maisakatuparan ang interim reimbursement mecha­nism at ang procurement ng “overpriced” information and communication equipment.

Ayon pa kay Keith, para mapagtakpan ang nawaldas na P15-bilyon, isinulong ng sindikato ang mandatory contributions ng overseas Filipino workers (OFWs) na una na niyang tinutulan noong nakaraang buwan. Siya rin ang kumuwestiyon sa overpriced  na IT system na naging dahilan nang mainitang pagtatalo sa meeting at naging daan para siya at dalawang iba pang PhilHealth officials ay magbitiw. Kasama niyang nagbitiw si Bai Laborte, head executive assistant ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales. Ang iba pang dahilan nang pagbibitiw ni Keith ay ang hindi parehas na promosyon ng mga officer at atrasadong pagbibigay ng sahod at hazards pay. Pinabulaanan naman noon ni PhilHealth President/CEO Morales ang mga isiniwalat ni Keith.

Mabigat ang akusasyong ito at hindi dapat bale­walain. Kapag PhilHealth ang pinag-uusapan nag­dudulot ito ng pangamba sa maraming miyembro lalo pa’t ang bansa ay nasa panahon ng pandemia. Kailangang kalkalin pa ang mga siniwalat ni Keith para maisalba ang PhilHealth at hindi tuluyang matuyuan ng pondo ang ahensiya.

Lagi na lamang may kontrobersiya sa PhilHealth. Noong Mayo, maraming OFWs ang pumalag sa balak na puwersahang pagbabayad ng contributions. Sabi ng OFWs hindi na nila kailangan ang mandatory contributions sapagkat mayroon silang health insurance sa kompanya.

Noong 2018, naging kontrobersiya ang PhilHealth nang mabulgar ang “ghost dialysis” ng isang clinic sa Novaliches na kumukubra nang malaking halaga sa PhilHealth kahit patay na ang pasyente.

Busisiin ang sinasabing anomalya sa PhilHealth. Ang mamamayan ang kawawa kapag hindi ito nasawata.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with