Suspendido muli ang lotto
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2020 - 12:00am

NAPURNADA ang pagbabalik sana ngayon (Agosto 4) ng lotto sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan mata­pos magdesisyon si President Rodrigo Duterte na isailalim na muli ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna sa mas mahigpit na modified enhanced community­ quarantine (MECQ). Ang pagsasailalim sa MECQ ng mga nabanggit na lugar ay dahil sa kahilingan ng mga me­dical associations na humihingi muna ng dalawang linggong timeout

Narito ang pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO):

“In view of the pronouncement by President Rodrigo Roa Duterte to revert NCR, Bulacan, Cavite, Rizal and Laguna to Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) from August 4 midnight to August 18, 2020, Ins­tant Sweepstakes tickets, Keno, including the scheduled resumption of lotto operations in these areas shall be suspended until further notice.”

Inianunsiyo kamakailan ni PCSO General Manager Royina Garma ang pagbabalik ng lotto ngayong Agosto 4. Kabilang sa babalik ang Lotto 6/42 at MegaLotto 6/45 games, sa mga lugar na nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ). Nag­balik na rin naman ang operasyon ng instant sweepstakes noong Hulyo 20 at maging ng online Keno na sinimulan noong Hulyo 28.

Kaya bilang pagtalima sa health protocol na pinaiiral ng Inter-Agency Task Force at upang makaiwas na rin sa pagkahawa ang mga ahente at tumatangkilik ng mga palaro ng PCSO ay minabuti ni GM. Garma na suspendihin­ muna ang operasyon. Kaya mga suki, stay at home muna tayo upang makaiwas sa COVID-19.

LOTTO MECQ PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with