^

PSN Opinyon

Isdang nakaw ng China: 1.2 bilyong kilo kada taon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ninanakawan ng China ang Pilipinas ng 1.2 bilyong kilo ng isda kada taon. ‘Yan ay sa dalawa pa lang sa walong bahura na inagaw ng China sa West Philippine Sea. Mas mahigit pa riyan ang tinatangay nila. Samantala kumokonti ang huli ng mga mangingisdang Pilipino sa WPS.

Ipatigil sana ng gobyerno ang ilegal na pangingisda ng China. Ang yamang dagat sa WPS, hanggang 200 mil-yang exclusive economic zone at dagdag na 150 milyang extended continental shelf, ay para sa Pilipino lang. Saad ‘yan sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea. Sa pag-agaw ng China sa mga bahura, 350,000 mangingisda ang nawawalan ng hanapbuhay. Nawawalan din ang mga Pilipino ng pinakamurang source ng protein sa pagkain, pampalaki at pampasigla.

Napakarami ng 1.2 bilyong kilo ng isda. Pagkain na ‘yan ng 28.6 milyong Pilipino, o 6.8 milyong pamilya, sa anim na buwan. Anang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nu’ng 2016, 26% ng populasyon ang umaasa sa WPS para sa pagkain.

Bulto ng huling isda ngayon sa WPS ay sa China napupunta, ani international maritime lawyer Dr. Jay Batongbacal. Walang tumbas ang bangkang kahoy ng Pilipino sa modernong bakal na lantsa ng China. Isang pang-industriyang lantsa nila ay humahakot ng 12 tonelada ng isda kada araw, anang mga diyaryong Hainan. Ibig sabihin ang 270 na lantsa sa Subi at Mischief Reefs, dakong Palawan, ay tumatangay ng 3,240 tonelada araw-araw. ‘Yan ay 1,182,600,000 kilo kada taon.

Bukod sa Subi at Mischief, inagaw din ng China ang Hughes, Fiery Cross, Gaven, Johnson South, at Cuarte-ron, Reefs. Nagnanakaw din sila ng isda sa Scarborough Shoal, Recto Bank, at paligid ng Pag-asa Island, Palawan. Binabalewala ng China ang pasya ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague na itigil ang pamamasok sa dagat ng iba. Sinasamantala pa ang pagkaabala ng mundo sa COVID-19 pandemic para lalong nakawan ang mahinang Pilipinas. Bully talaga!

vuukle comment

WPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with