Di mo pa rin talaga gets?
DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Talaga naman si Sec. Francisco Duque o, di mo pa rin ba gets?

Maliban sa malawakang panawagan sa iyong pagbibitiw bilang Health Secretary, Sir Duque, hayan at di mo pa rin ba gets na ini-snub ka na.

Hindi ka man lang pinagsalita ni President Duterte noong huli n’yong meeting ng Inter-Agency Task Force against COVID-19 di ba?

Ni ang pagbanggit ng pangalan mo Secretary Duque ay hindi nagawa ni President Duterte na kung tutuusin sa mga nagdaan ninyong weekly meetings ay parating ikaw ang unang pinagsasalita ukol sa updates sa COVID-19.

Hindi ka pinansin at ang iba ay pinag-present.

Ikaw? Tameme ka  lang.

Si President Duterte na nga ang nagpaliwanag kung ano ang bagong developments sa laban ng Pilipinas sa COVID-19.

At dati, talagang pinupuri ka at ipinapakita ng Presidente na may tiwala pa rin siya sa iyo kahit na abot-bubong na ang batikos na natatanggap mo sa pamamahala sa Department of Health na sa tingin ng tao ay palpak nga.

Pinagbibitiw ka na ng sambayanang Pilipino lalo na ngayong umaabot na sa higit 4,000 bawat araw ang mga bagong kaso ng COVID sa bansa.

Secretary Duque, maawa ka naman sa bayan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with