Panawagan sa PCSO ng mga taga-Pilar, Capiz
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2020 - 12:00am

MALAKING problema ang kinakaharap ngayon ng mga Capiznon sa mga pinauuwing local stranded individuals (LSIs) na mula sa Metro Manila, Cebu at Bacolod. Titigok-tigok na ang budget ng Capiz mula nang lumaganap ang COVID-19. Kulang na ang isolation facilities na pag­lalagyan ng mga nahawahan ng virus. Kaya ang tanging­ naibibigay na serbisyo ng local government units ay ang pag-quarantine sa mga tinamaan ng COVID-19 o ‘yung mga asymptomatic lamang. Kapag malala na kailangang dalhin sa Iloilo City. Mukhang may pagkukulang ang Department of Health.

Kaya upang makasigurong hindi magkahawa-hawa ang mga Capiznon, minabuti ng LGUs na ipagbawal muna ang pagtanggap ng LSIs o mga repatriated overseas Filipino workers (OFWs) na wala pang rapid test at swab test na sertipikado ng DOH. Subalit hindi ito basta-basta matatanggihan ng LGUs na tanggapin ang LSIs at repa­triated OFWs dahil na rin sa panawagan ni President Duterte na buksan ang mga pintuan ng lalawigan sa mga gustong umuwing kababayan.

Kaya malaking hamon ito sa liderato ni Capiz Governor Nonoy Estevan (Evan) Contreras para maprotektahan ang kalusugan ng mga Capiznon. Sa ngayon niluwagan ang mga borderlines ng Capiz para sa mga cargos o may travel pass upang manumbalik ang sigla ng kalakalan at ang pamumuhay ng mga Capiznon. Ang masakit nito lalong lumolobo ang mga nahahawahan ng COVID sa Iloilo kaya malaking pangamba ito maging sa Capiz na magkakaroon din ng hawahan. Kaya nagkakamot ng bum­bunan ang mga mayor sa titiguk-tigok na pondo para ma­suportahan ang LSIs at repatriated OFWs na kinu-quaran­tine.

Katulad na lamang sa Pilar, Capiz na may tatlong nag­positibong OFWs at LSI. Ayon kay Pilar mayor Dodoy Arnold Perez nang makausap ko. Mula sa airport at pantalan ng Capiz, sinusundo nila ito ng ambulansiya hanggang makarating sa quarantine facilities ng mga barangay upang masigurong walang kaanak na makakahalubilo. Ayon kay Mayor, sa ngayon, okey pa dahil iilan pa ang napapauwi sa kanyang bayan subalit kapag dumagsa na ang mga ito tiyak na kukulangin na sila ng ambulansya. Nasira na umano kasi ang dalawang ambulansiya nila.

Calling Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royita Marzan-Garma, pakitulungan po si Mayor Perez na mabigyan ng karagdagang ambulance para magamit sa paghatid-sundo sa COVID-19 patients. Ang Pilar ay may 24 na barangay at siyam sa mga ito ay nasa coastal areas. Tanging ang kabuhayaan dito ay pangingisda, pagdadaing at paghuhukay ng shells. Ayon pa kay Mayor Perez, ginagawang saltahan ng mga tumatakas na LSIs ang baybayin upang makalusot sa boarderlines check point. Marami na silang nahuli sa mga pumupuslit kaya todo na ngayon ang pagbabantay sa mga dumaraong na bangka.

Ayon pa kay Mayor, kahit kakarampot ang budget ng Pilar, naisasakatuparan pa rin ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga residente dahil kasama niya si Vice Mayor Dodoy Jack Cantiller at barangay officials sa pagbahay-bahay upang maisakatuparan ang “Ululupod kita sa pag-amlig kag pagprotektar sang aton mga pamilya kag sang aton banwa kontra sa COVID-19!”

COVID-19 PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with