May lotto na sa Agosto 4
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 25, 2020 - 12:00am

MAGANDANG balita para sa tumatangkilik ng lotto ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa Agosto 4 ay magbubukas na ito sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) na aprubado ni President Duterte. Sa lotto circular no. 2020-004, ang PCSO ay tata­lima sa health protocal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) katulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask. Ang PCSO ay paunang magtitinda ng lotto 6/42 at Megalotto 6/45 games kasunod sa dati nitong draw schedule. Kung inyong matatandaan, ang bola ng lotto ay sinuspende ng tatlong buwan matapos i-lockdown ang bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa PCSO, ibinalik sa P20.00 mula sa P25.00 ang bawat ticket. Sisimulan din ang catch-up draw sa mga nabiling ticket noon na inabutan ng pagsuspende. Kaya malaki pa rin ang pag-asa na maging milyonaryo ang mga nakabili noong March 17 draw ticket. Ayon kay GM Garma ang catch-up draw ay magkakaroon ng two draw sa loob ng 15 araw na magsisimula sa Lunes. At oras na maisa­katuparan na ang catch-up draw ng lotto ay muli na itong babalik sa regular na operasyon. Matutunghayan ang resulta ng mga nananalong kombinasyon sa kanilang  public advisory posted ng PCSO sa kanilang website. Ang catch-up draws ay broadcast live  sa kanilang Facebook pages at Youtube, at sa PTV-4, on delayed telecast.

“We wish to emphasize that the PCSO has not resumed its regular gaming operations. There shall still be no selling, ticket validation, and prize claiming for the duration of the catch-up draws, as all Lotto outlets shall remain closed. Regularly check and visit http://www.pcso.gov.ph and/or PCSO’s official Facebook page for updates in the resumption of our gaming operations,” sabi ng PCSO. 

Sa draw sa Lunes, ang PCSO draw winning numbers para sa Ultra Lotto 6/58 na may jackpot prize P304.8M: Regular lotto 6/42 P35.3M, at Super lotto 6/49 na may jackpot prize na P38.1M: Ang grand lotto 6/55 na may premyong P79.8M at ang Mega lotto naman ay may jackpot prize na 8.9 millions para sa draw noong March 16 at 17 2020 draws. Ang regular Lotto 6/42 draw na may winning combination 38-09-42-30-08-34, sa Ultra lotto 5/58 catchup draw ay may winning combination na 43-15-21-17-27-54 at sa Super lotto 6/49 ay 29-05-33-37-26-35 para sa catchup draw noong March 17. Sa kabilang banda, ang Mega Lotto 6/45 catchup-draw noong March 16 ay may winning combination 05-26-12-09-24-08. Ayon kay Garma ang lumabas na winning kombinasyon noong March 16 at 17 catchup-draw ay walang nanalo sa jackpot prize.

PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with