Pagsulat ng diary sa gitna ng sigalot
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2020 - 12:00am

“The Diary of Anne Frank” ay isa sa pinaka-sikat na libro­ sa mundo. Ilang ulit itong nalathala sa 60 wika, orihinal sa Dutch. Itinala ng dalagitang si Anne Frank ang dalawang taon, 1942-1944, na pagtatago nilang pamilya mula sa mga tumutugis na Nazis sa Netherlands.

Nabihag si Anne, at namatay sa tipus sa concentration camp. Natagpuan at naisoli sa ama ang diary. Detalyado ang mga dinaanang hirap, takot, at gutom ng mga Hudyo sa kamay ng pasista.

May mga panahong masungit si Anne, pero kalimitan ay mapagpasalamat sa kabutihan ng mga nagkanlong sa kanila maski napahamak ang buhay. Nakaukit sa kasaysayan ang personal na kuwento ni Anne – hindi maikakaila ng mga nagbabago ng katotohanan.

Dalawang world wars ang sakop ng diaries ni Virginia Woolf. Sinimulan niyang itala ang buhay nang sumisikat pa lang nu’ng 1917. Sa loob ng tatlong dekada naka-26 na volumes siya ng mga karanasan. Karamiha’y sinulat­ matapos magtsaa sa hapon. Ilan ay mga baliktanaw nang ilang linggo o buwan kapag sinusumpong siya ng sakit sa utak. Aniya’y sinikap niyang mailahad ang posi­tibo sa gitna ng sigalot.

Maraming naeengganyong mag-diary sa panahon ng taggutom, pandemya o digmaan. Iba-iba ang dahilan. Maaring palipasan ng stress. Mainam maglibang, magmuni-muni, magsaya sa sariling kuwento, ani psychiatrist Dr. Bernadette Monteclaro Manalo-Arcena. Merong naiisip na turuan ang mga darating na henerasyon. Iba ang panawagan ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern. Hinikayat niya ang mga tao mag-journal araw-araw para makita ang paglala o hupa ng COVID-19.

Naitala ni Samuel Pepys, tanyag na diarist sa Britain, ang pagbitay kay King Charles I, gulo nu’ng mamatay si Cromwell, at koronasyon ni Charles II. Sa simula ng London plague, 1665-1666 puro pagpapasarap, lamon at away mag-asawa ang dina-diary niya. Makalipas ang ilang buwan, mga agam-agam na sa sakit, maski konting sipon o utot, at pati ubo at lisa ng maid. Lalo na nu’ng maba­lita: “700 patay sa isang araw.”

ANNE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with