^

PSN Opinyon

Ayaw ilabas sa publiko ang impormasyon?

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Sa New Bilibid Prisons naman ang mainit na isyu ngayon­. Lumabas ang ulat na namatay na raw si Jaybee Sebastian­, ang drug lord na tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima ilang taon nang nakararaan. Namatay siya umano dahil sa COVID-19 kaya ayon kay BuCor Director Gerald Bantag, pina-cremate na ang bangkay nito ayon sa mga alituntunin hinggil sa mga namamatay dahil sa virus.

Pero lumabas kaagad ang mga espekulasyon dahil sa pagtanggi ni Bantag na ilabas ang impormasyon hinggil sa iba pang mga namatay sa NBP, dahil daw sa Data Pri­vacy Act. Bakit nga ba ayaw ilabas ang mga pangalan na mga high-profile drug inmates pa?

Kaya naglabas ng pahayag si Privacy Commissioner Raymond Liboro na hindi dapat ginagamit ang Data Privacy Act para tanggihan ang publiko ng karapatan sa impor­­masyon, lalo na’t may mga isyu na sinusundan na ng publiko.

Alam nang lahat ang pagbigay ng testimonya ni Sebas­tian laban kay De Lima. May iba pa bang nagbigay ng testi­monya laban sa senador na namatay na rin?

Kaya hindi maiwasang mag-isip ang marami na baka may anomalya sa loob ng NBP, na hindi rin malayong mang­yari. Tinatanong nga ni Senate President Tito Sotto­ kung talagang namatay dahil wala nang paraan para mala­man kung na-cremate na nga ang katawan. Wala nang finger­prints. Maaaring makakuha ng DNA mula sa mga abo pero mas mahirap ang proseso. Baka ginawan lang ng kuwento para makalabas at hindi na hanapin.

Hindi malayong mangyari at kailangang tandaan ang pag­labas-labas ni Tony Leviste noon. May mga nagsasabi pa na ito nga ang kanilang “gantimpala” para sa pagbigay ng testimonya laban kay de Lima. Nakalaya na sila’t hindi na hahanapin ninuman dahil “patay” na nga. Dito nga nagalit si Bantag at hinamon na maglabas ng ebidensiya na kung ganun nga ang paniniwalang naganap.

Iniutos na rin ni DOJ Sec. Guevarra ang NBI na gumawa ng imbistigasyon. Nais rin mag-imbestiga ang Senado. Hindi raw puwedeng palampasin. Sana nga. Sana nga masinsinan at patas ang imbistigasyon. Ilabas na ang pangalan ng mga namatay. Pero kung noong Marso pa namatay umano ang iba, paano pa makukumpirma ang kanilang bangkay?

Hindi dapat ginawa ni Bantag ang hindi paglabas ng mga pangalan noong namatay na. Ito ang mahirap kapag mali ang interpretasyon ng batas, tulad ng Data Privacy Act. Ito ang mahirap kapag mali ang interpretasyon ng mga pulis mismo.

Lumalabas na hindi alam ni Bantag ang batas. Ito rin ang dahilan kung bakit marami ang nangangamba sa Anti-Terrorist Act. Baka maling interpetasyon ng mga pulis, nakakulong ka na kaagad.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with