^

PSN Opinyon

Nurses sa private hospital, paano na?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Malaking bagay para sa government nurses ang pagtataas ng kanilang suweldo. Sila ang kauna-unahang nasa panganib ngayong panahon ng pandemya. Kung hindi pa yata nagka-COVID-19 ay hindi maisasakatuparan ang halos 18-years na paghihintay ng mga pobreng nurses natin.

Biruin n’yo, halos dalawang dekada, tatlong Presi­dente ang nagdaan bago ipatupad ang batas na naglala­yong itaas ang kanilang suweldo. Malamang dahil na rin sa konsensiya, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na gawin itong “effective immediately­.”

Aba naman, sinong hindi makokonsensiya at tamaan na sana ng kulog at kidlat ang hindi tatablan…  mapanganib­ ang trabaho ng mga nurse natin ngayon. Expose sila sa mga hospital at pagamutan at lalong expose sa COVID-19.

Uulitin ko, tatlong Presidente ang nagdaan na sini­mulan ni Erap, sinundan ni Gloria at ang kahuli-hulihan, si P-Noy. Dedma, walang nangyari. Ngayon lang natauhan este naisakatuparan ang wage hike ng mga government nurses dahil sa mapanganib na COVID-19.

Iniisip ko tuloy, kung walang COVID-19 “nganga” pa rin hanggang sa ngayon ang mga nurses natin sa gob­yerno.Totoo nga ang kasabihan, “crisis is a backdoor to an opportunity” ---- para sa mga nurses natin ito sa gob­yerno. Pero, paano sa mga pribado? Naghihikahos pa rin ang mga nurses natin?

Nagtitiyaga, ginagawang training ground ang mala­laking hospital habang nagtitiis sa kakapiranggot na su­weldo? Umaasang matapos makumpleto ang dalawang taong professional experience sa mga pribadong ospital ay makakalabas ng bansa, sa abroad magtatrabaho na may mas malaking sahod.

Kaya lang sa panahon ngayon ng pandemya, mahaba-haba ang pananamantala ng mga private hospital.

Ako mismo nakausap ko ang isa sa mga nurses sa private hospital. P12,000 ang kanyang suweldo. Kapag mag-cancel day off ka, puwedeng umabot ng P20,000 ang sahod. Kada cancelled  day off, P2,000. Por diyos por santo, kaawa-awa naman! Kaya ang mga nasa pribadong sektor, makonsensiya naman kayo.

Lalo na ngayon, punumpuno ang mga ospital n’yo. Kayo na nga mismo ang umaayaw sa mga pasyenteng nagpopositibo sa virus.

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with