^

PSN Opinyon

Truth Czar

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Its working! Ito ang buong pagmamalaking pahayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa mga pagkilos ng pamahalaan laban sa pandemya. Agad itong pinalagan ni Gng. Sharon Cuneta. Aniya’y sa pagtaas ng ating bilang sa COVID, sa kakulangan ng testing – paano masasabing umeepekto ang ating kampanya?

Ang hinanakit ni Sharon ay siya ring nararamdaman ng karamihang kapwa Pinoy na hindi maunawaan ang paglala ng sitwasyon sa atin. Matapos ang ilang buwang pagtitiis sa lockdowns at sa dami ng trabaho at negos­yong naapektuhan, ang inaasahan ay dapat nalampasan na natin ang pinakamahirap na parte ng laban. Marami sa ating karatig bansa ang nananatiling mababa ang bilang. At hindi nila naranasan ang dinaanan nating pahirap.

Ang anunsyo ni Sec. Roque ay mahirap maintindihan. Katulad din ito ng hindi rin malaman kung saan nanggaling na pahayag ni Sec. Francisco Duque III ng Department of Health na na-“flatten the curve” na natin ang pandemya. Ang gustong sabihin ay na-manage natin nang maganda ang mga infection rate na hindi mahihirapan ang kapasidad ng ating mga ospital. Ganundin ang pagtanggap dito ng tao, kagaya ng reaksyon ni Sharon.

Hindi talaga mapapaniwala ang lipunan sa ganitong mga pakawalang salita kapag nakikita naman sa istatistika ang tunay na estado ng laban. Maaaring hindi tuma­taas ng ganoong kabilis ang bilang ng namamatay subalit naka­kapag-alala na hindi pa rin mapabagal ang bulusok ng mga nagkakasakit.

Misteryo ba ang dahilan ng ating pagkukulang? Hindi. Dahil deklarado rin na mahina tayo sa testing, mahina tayo sa tracing, at mahina tayo sa pag-isolate ng mga napatunayang may sakit. Kaya nga minabuti ng Pangulo ng magtalaga ng bagong mga pinuno o “Czar” sa Testing, Tra­cing, Isolation at pati sa Treatment.

Sana nga lang, para maiwasan na rin ang ganitong mga pahayag gaya nung sinabi ni Sec. Roque at Sec. Duque, mag-appoint na rin ang Pangulo ng Truth Czar upang laging katotohanan lang ang iparating sa bayan. Gaya ng sabi ni Ms. Cuneta: please just tell us the truth!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with