^

PSN Opinyon

Gang rape (Huli sa 2 bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

NAPATUNAYAN ng mababang hukuman na nagkasala sina Tony, Raffy at Gio at hinatulan sa tatlong magkakahi­walay na counts ng rape sa pakikipagsabwatan sa isa’t isa. Si Tony na nasa hustong gulang ay hinatulan ng halos habambuhay na pagkakulong (reclusion perpetua) samantalang sina Raffy at Gio na parehong menor de edad pero 18 taong gulang na noon, ay hinatulan na makulong sa loob ng 6 taon, 1 araw, hanggang 12 taon at 1 araw pero pareho silang pinakawalan at ipinag­katiwala lang sa kani-kanilang magulang dahil sa kanilang edad. Si Tony lang ang umapela sa desisyon dahil hiningi nina Raffy at Gio na suspendihin muna ang kanilang parusa alinsunod sa batas (Art. 191 of PD 603).

Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon ng mababang hukuman at dinagdagan lang ang pinababayaran na danyos kay Tony. Bukod sa P50,000 (civil indemnity) ay pinatawan pa siya ng panibagong P50,000 (moral da­mages). Pag-akyat ng kaso sa Supreme Court (SC) ay pa­reho ang naging hatol nito sa CA. Ayon sa SC, labag sa loob ni Jessica­ ang nangyari at pinuwersa o ginamitan pa siya ng dahas base sa mga sugat na kanyang tinamo. Halata rin na nagsisinungaling ang depensa nang sabihin nila na nangyari ang pagtatalik may isang buwan ang nakararaan ng bertdey­ ni Gio at mahulog sa hagdan si Jessica dahil base sa ulat ng medico-legal ay anim o pitong araw pa lang nang­yari ang pananakit dito.

Ang reputasyon ni Jessica bilang isang “pokpok” at ang pag-amin niya na may nangyari na sa kanila ng siyotang si Louie ay hindi nakabawas sa kredibilidad ng kanyang testimonya. Walang kinalaman sa krimen ng rape ang karakter ng isang biktima. Ipagpalagay man natin na hindi maganda ang reputasyon si Jessica ay hindi pa rin sapat na depensa na pagsamantalahan siya ng mga akusado.

Hindi rin dahilan na nag-atubili ang biktima bago nag­sampa ng reklamo. Hindi naman nakapagtataka na mas piliin ng biktima na sarilinin ang nangyari dahil takot siya at nahihiya sa sasabihin ng ibang tao lalo at tumakas lang pala siya sa kanilang bahay para lumabas at pumunta sa kanyang mga kabarkada sa kalaliman ng gabi.

Tama rin ang naging pasya ng korte na huwag pansinin ang testimonya nina Abby at Vilma tungkol kay Jessica dahil siyempre ay kampi sila o maituturing silang mga “biased witness” dahil nga girlfriend sila nina Gio at Raffy. Totoong nagkasala sa tatlong counts ng rape ang tatlong akusado (People vs. Cabierte, G.R. 170477, August 7, 2007).

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with