Peace, environment protection tampok sa huling pre-SONA
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2020 - 12:00am

TATALAKAYIN sa huling pre-SONA forum na gaganapin bukas (Hulyo 22,) ang mga programa at polisiya ng gob­yerno para mapaigting ang katatagan ng mga komunidad sa panahon ng pandemya ng coronavirus disease (COVID-19). Maaaring mapanood ng publiko ang forum, 11:00 a.m. live stream ng Facebook page ng PCOO, Radio Tele­vision Malacañang (RTVM).

Pangungunahan ng Climate Change Adaptation­, Miti­gation, and Disaster Risk Reduction Cluster (CCAMDRRC) at ng Security, Justice, and Peace Cluster (SJPC) ang forum. Kanilang ididitalye ang mga datos at impormas­yon hinggil sa programang kanilang ipinapatupad, nang sa gayon ay mas maunawaan ng sambayanan ang mga ihahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27. Maghahatag ng ulat si CCAMDRRC Chair at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa pagpapahusay ng kahandaan ng mga komunidad laban sa mga kalamidad at sakuna, pati na rin sa epekto ng climate change at pagpapakahalaga sa kalikasan.

Ihahayag ni SJPC Chair at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang mga de­talye ukol sa programa at polisya para sa pagsasakatuparan ng kaayusan, seguridad, at kapayapaan sa bansa. Ang forum na ito ay ikatlo at pinakahuling yugto sa ginaganap na “Tatak ng Pagbabago 2020: The Pre-SONA Forum” na layu­­­ning magbigay sa taumbayan ng mga tama­ sa mga proyekto at prayoridad ng Administrasyong Duterte sa pagpapa-unlad ng kalidad ng pamumuhay ng bawat Pilipino para sa pagsasakatuparan ng ipinangakong tunay na pagbabago.

Bitbit ang temang “Patunay na Pagkalinga,” ihahayag rin ng mga kalihim ng Gabinete ang puspusang paghahatid ng tulong at serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan sa gitna ng dinaranas na public health emergency. Ang maagap at masigasig na pagtugon sa mga pangangailangan ng taumbayan ay nagsisilbing patunay ng pagkalinga at pagmamalasakit ng Administrasyong Duterte sa bawat Pilipino.

Magsisilbing moderator si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar. Si Cabinet Secretary Karlo Nograles ang magbigigay ng keynote message. Nag-umpisa ang Pre-SONA forum noong July 8 kasama ang Economic Development Cluster (EDC) at Infrastructure Cluster (IC). Natalakay nina Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang kalagayan ng ekonomiya at plano ng Gobyerno para siguraduhin ang pagbangon ng ekonomiya.

Inulat din ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Mark Villar ang implementasyon ng Build, Build, Build Program. Noong ikalawang Pre-SONA Forum (July 15) inulat ni Human Development and Poverty Reduction Cluster (HDPRC) Chair at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista ang programa ng gobyerno sa edukasyon, public health, social protection, at pagtulong sa mga maralitang Pilipino. Kasabay nito, inulat nila Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado ang pagsusulong ng Participatory Governance Cluster (PGC) transparent at people-centric na gobyerno.

COVID-19 SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with