^

PSN Opinyon

Kung walang pinanggalingan, imbento nga!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Imbento, gawa-gawa, kathang-isip, imahinasyon. Dahil­ sa taba ng utak, lahat ng bagay sa kanilang isipan ay sinasalsal kaya tuloy paglabas sa bibig ay kung anu-ano rin ang pinagsasabi.

Eto kasing kumakalat na hashtag sa umano’y pagpapatanggal sa isang senador sa kanyang komiteng pinamumunuan ngayon, wala raw katotohanan sabi mismo ni Senate President Tito Sotto.

Hindi raw galing sa Senado ang “movement” na ito dahil kung meron man ay siya o sila sa Senado ang unang makaaalam. Pero wala naman.

Sabi niya tuloy, baka imbento… mabuti pa sila, daming alam. Sinong sila? Eh di ‘yung may pasimuno o may gawa-gawa lang nitong isyu na ito.

Sagot nung isa, handa naman daw siyang umalis sa puwesto kung kinakailangan pero hindi dahil sa mga troll farm.

Aba’y hindi na bago at matagal nang nagkalat ang mga trolls.

May trolls na dilawan, may trolls na anti-adminis­trasyon, may trolls na pro-administration, iba’t ibang klase ‘yan.

Eto talaga ang makakaengkuwentro mo kaka-social media ke mapa-boomer, Gen-X o millennials pa ‘yan.

Libangan kasi ngayon ang pakikisawsaw sa iba’t ibang isyu gamit ang social media.

This is my unsolicited advice: Kung may mga #Oust man na lumalabas ngayon sa social media, walang kina­laman sa posisyon mo ngayon yan.

Posibleng ang may pakana nito ay mga taong nabu­buwisit sa’yo.

Sa kadahilanang para ka kasing may diarrhea sa bibig, lagi kang may kiyaw-kiyaw.

A lot of people are trying to make themselves relevant by saying a lot of things and sometimes, fabricated. Mema – memasabi lang, mema-pansin lang.

Ayan tuloy, ikaw ang kanilang binubuwisit, iniinis.

Kung totoo, eh ‘di palutangin. Kaso, mismong mga kasama mo sa Senado nagsasabing walang ganyang isyu, walang nagpapatalsik sa’yo.

Saan galing ‘yun? Eh di imbento nga!

vuukle comment

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with