^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pangamba ng WHO

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Pangamba ng WHO

Ipinahayag ng World Health Organization (WHO) noong Lunes na maraming bansa ang nagrerelaks at hindi naipatutupad nang maayos ang paglaban­ sa coronavirus. Nangangamba ang WHO na dahil nami-mismanage ang paglaban sa virus, maa­aring lumala pa ang sitwasyon. Ayon sa WHO, ang sitwas­yon ay patungo sa “worse at worse at worse”. Ang pangamba ng WHO ay lalong umusbong nang mabatid ang pagdami ng kaso sa Latin America kung saan ay marami na ang namamatay.

Babala ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebre­yesus sa mga bansa na huwag nang bumalik sa “old normal”. Huwag nang mag-iba ng landas para ganap nang malabanan ang pagkalat ng sakit. Ipagpatuloy ang nasimulang strategy.

Kamakailan lang, sinabi ng isang grupo ng scien­tist sa London na naipapasa ang virus sa pamamagitan ng hangin (airborne). Ayon sa nalathala sa Journal Clinical Infec­tious Diseases sa London, ang viruses na lumabas sa pamamagitan ng paghinga, pagsasalita at pag-ubo ay lumulutang sa hangin at maaaring makapitan o dapuan ang sinumang nasa enclosed spaces. Ayon pa sa mga scientists, dapat baguhin ng WHO ang kanilang paniniwala at nang maihanda ang mga tao at lalo pang makapag-ingat.

Paniwala naman ng WHO na naipapasa ang virus kapag natalsikan ng droplets ng isang umuubo at bumabahing. Hindi umano airborne ang virus. Kaya ang payo ng WHO ay ang pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing.

Iisa lang ang pupuntahan nang lahat, mapa-air­borne man ito o matalsikan ng droplets mula sa umubo. Kaya ibayo pang pag-iingat ang nararapat. Iwasan ang mga saradong lugar o walang labasan ng hangin para hindi masagap ang paikut-ikot na virus. Huwag munang gumamit ng elevator at mga sasakyan na magkakaharap ang mga sakay.

Ipagpatuloy ng mamamayan ang nakasanayan nang pag-iingat para makaiwas sa virus. Gaya ng payo ng WHO, huwag nang bumalik sa dating naka­­­sanayan. Laging magsuot ng face mask, huwag­ mag­­kumpul-kumpol, laging maghugas ng kamay at kung anu-ano pang hindi magandang gawain na nagdudulot ng pagkakasakit. Ito ang nararapat nga­yon upang hindi kumalat ang virus.

vuukle comment

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with