^

PSN Opinyon

Contact tracing, COVID testing pabilisin -- WHO

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Para sa World Health Organization (WHO), ang mabilis na paglobo ng mga COVID-19 cases sa ating bansa ay dahil pa rin sa mabagal na contact tracing at testing na ipi­natutupad ng pamahalaan.

Anang WHO, ang angkop na oras para makuha ang resulta ng polymerase chain reaction (PCR) tests ay ‘di dapat lumampas ng 24-oras. Kaya matapos ang test, kaila­­ngang umpisahan agad ang contact tracing kung ang resulta ay positibo. Ito ay sang-ayon sa kinatawan ng WHO sa Pilipinas na si Rabindra Abeyasinghe.

Kung sa bilis ng pagkuha ng resulta, masasabi naman nating malaki na ang improvement sa ating proseso kum­para noong una na napakabagal. Ang contact tracing ang mahirap gawin dahil maghahabol ka sa mga taong naka­salamuha ng isang nagpositibo sa COVID test.

At kapag bigong matukoy ang mga taong nagsalin ng virus, gaano man ka-episyente ang test ay mawawalan ng silbi. Gayunman, bagamat lumalaki ang bilang ng mga nag­po­positibo,patuloy din namang lumalaki ang bilang ng nga taong gumagaling sa kinatatakutang karamdaman habang kumokonti ang bilang ng mga namamatay. Dapat na rin itong ipagpasalamat sa Diyos.

Habang wala pang bakuna na inilalabas sa merkado, malamang na patuloy na tataas pa ang bilang ng mga tina­tamaan ng sakit lalo na kung hindi tayo estrikto sa pagsunod sa mga naitakdang panuntunang pangkalusugan.

Umasa na lang tayo na sana, kung tumataas man ang bilang ng mga taong dinarapuan ng sakit ay magkaroon ng tinatawag na herd immunity o natural na bakuna ang isang taong nagkasakit at gumaling  sa karamdaman.

May mga ilang medical experts na humuhula na malamang ay ganyan nga ang mangyayari. Magiging naturally immune na ang tao sa sakit pagdating ng panahon, at ang COVID ay magiging ordinaryong karamdaman  na lamang tulad ng trangkaso, ubo at sipon.

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with