Sunud-sunod na aberya sa PNP
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

KAPANSIN-PANSIN ang sunud-sunod na kamalasan at kapalpakan ng pulisya sa buong bansa, ayon sa mga suki ko, hehehe! Una ay ang “mañanita” isyu kay NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas noong Mayo kung saan nag-viral ang photos sa araw ng selebrasyon ng birthday nito. Malinaw na may paglabag sa health protocol na pina­iiral ng Inter-Agency Task Force (IATF). Nang panahon kasing iyon ay superhigpit ang pinaiiral sa social gathering at pagsusuot ng face mask.

Ngunit sa halip na bigyan ito ng pansin ng pamunuan ni PNP chief Gen. Archie Gamboa naipasa ito kay President Digong. Kaya hayun nakalibre si Sinas at hindi natinag sa puwesto. Wala naman akong masamang komento rito dahil ang kapasyahan ay mula mismo sa Commander­-in-Chief dahil maging si Sinas ay naghihintay lamang ng kapa­rusahan. ‘Di ba mga suki? Itong si Sinas naman ay kaliwa’t kanan ang pagtatrabaho sa sambayanan sa Metro Manila kaya napalampas siya ng Presidente.

Ngunit nitong mga nagdaang araw, sunud-sunod na naman ang kapalpakan ng kapulisan. Kabilang dito ang pagkamatay ng apat na sundalo ng Philipine Army sa Sulu. Nasa National Bureau of Investigation (NBI) na ang kaso ng siyam na pulis na sangkot sa pagpatay. Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng mga namatay na sundalo.

Sa Bulacan naman, may mga pulis na naaresto dahil sa pangongotong. Dismayado ang mga kasamahang pulis sapagkat nagkakandahawa na sa COVID-19 ang ilan sa mga pulis na nagsisilbing frontliners, aba, ang iba naman ay nagagawa pang mangotong at nambibiktima ng mga naghihirap nating kababayan.

Naging isyu rin ang isang mataas na opisyal ng Highway­ Patrol Group (HPG) na nahuli ng PDEA sa pagtutulak ng droga. Nang madakma ang opisyal, tahasan nitong inamin na nagtutulak nga siya ng droga. Humingi siya ng kapatawaran at kapag daw napagbigyan siya ay hindi na niya uulitin ang pagpakalat ng droga.

At ang pinaka-huling putik sa imahe ng PNP ay ang ginawang panghahalay at pagpatay ng dalawang pulis ng Ilocos Sur na kinilalang sina SSgt. Randy Ramos at SSgt. Marawi  Torda. Dala umano ng sobrang kalasingan sa alak kaya napag-interasan ng dalawang pulis-manyak ang dalagita na inaresto nila sa isang paglabag sa social gathering, hehehe! Malinaw na wala talagang kabutihan ang pag-inom ng alak lalo’t lalo na kung pulis matulis ka. Di ba mga suki?

Sa ngayon, may kumakalat na katanungan sa sambayanan, may kredibilidad pa ba ang kapulisan ngayon? Hanggang kailan ang kamalasan sa liderato ng PNP, General Gamboa? Kasi nga kung may opiyales na lumabag sa tungkulin na hindi niya kayang sibakin sa puwesto may hustisya rin kayang makakamit ang mga pamilyang naulila sa shootout? Kailan malilinis ang imahe ng PNP? Kung may survey ngayon, tiyak negatibo ang PNP sa mga tao. Ang mga kapalpakan at garapalang pang-aabuso ng kapulisan ngayon, pati ang pagkitil ng buhay ng mga inosente ay nagpapahiwatig na may malaking problema sa organisasyon.

DEBOLD SINAS PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with