^

PSN Opinyon

Hindi masama ang humusga

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang hindi nakauunawa sa isinasaad ng Matthew 7:1-6 na nagsasabing “huwag humatol sa ibang tao dahil kung ano ang ginamit mong panukat sa iba ay siya ring gagamitin sa iyo.”

Ang ipinagbabawal ng Salita ng Diyos ay ‘yung humu­husga ka sa iba pero ang maling ginagawa ng hinuhusgahan mo ay ginagawa mo rin. Kaya nga ang Sabi sa berso ng Biblia ay “Bakit pinupuna mo ang puwing sa mata ng iba pero hindi mo nakikita ang malaking troso na nakahamba­lang sa sarili mong mata.

Tinutukoy ko rito ay ang pagpuna sa social media ng actress na si Agot Isidro sa ipinamamarali ng misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee na mga larawan sa social media na mga mamahaling bisekleta na Louis Vuitton at Hermes na masama sa panlasa sa panahon ng pandemya na marami ang nangangailangan ng pera. Konstruktibo naman ang puna ni Agot. Lahat ng mga Kristiyano ay binibi­linan ng Salita ng Diyos na punahin ang pagkakamali ng iba para maituwid. Tungkulin natin iyan sa isa’t isa.

Sa Kawikaan 27:5, maliwanag na sinasabi na “ang taha­­sang pagsuway sa mali ay mabuti kaysa ikinukubling pagmamahal.” Ibig sabihin, pumupuna ka para sa kapakanan ng kapatid mong nagkakamali. Kaya pinangangaralan mo ang iyong anak sa mga pagkakamali niya ay sa dahilang mahal mo siya.

Pero ang sagot ni Jinkee Pacquiao ay, no more, no less, ang isinasaad ng Matthew 7:1-6. Gaya ng nasabi ko, dapat unawain natin ang buong konteksto ng ano mang berso sa Biblia. Kung bawal talaga ang mag-judge, wala na marahil mga Kristiyano na tatanggap ng mataas na posisyon sa gobyerno bilang hukom. Basta tama ang judgement, walang sagutin sa Diyos ang hukom. Pero kung ang hukom ay may bias sa kanyang paghatol, tiyak mapaparusahan siya sa kanyang desisyon.

Kahit ang mga journalist, lalu na ang mga opinion writers ay humuhusga rin. Minsan, maaaring nagkakamali sila dahil kulang sa pananaliksik ang mga isinusulat, pero kung may katotohanang ang isinusulat, obligasyon ng mamamahayag na punahin ang mga mali sa lipunan lalu na sa pamahalaan.

vuukle comment

GOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with