^

Bansa

Expanded testing, kailangan para ‘di na ibalik ang ECQ - NEDA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Expanded testing, kailangan para �di na ibalik ang ECQ - NEDA
Binigyang diin ni Karl Kendrick Chua na kailangan ang higit pang pagpapaigting sa COVID-19 testing hindi lamang sa mga maysakit, OFWs, sa contact at healthcare workers kundi kailangan ito ng lahat ng mamamayan lalo na ng mga manggagawa.
STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Kailangang mapalawak pa ng pamahalaaan ang pagsasagawa ng COVID-19 testing upang matiyak na hindi na muling ibalik ang enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa.

Ito ang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) head Karl Kendrick Chua kaugnay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng COVID.

“From testing just a few hundred, we’ve reached a peak of 22,000 tests per day and we are on-track to achieving 32,000 tests per day which will help bring down the positivity rate to below 5percent. This trajectory, we think, will not bring us back to the ECQ,” pahayag ni Chua.

Binigyang diin ni Chua na kailangan ang higit pang pagpapaigting sa COVID-19 testing hindi lamang sa mga maysakit, OFWs, sa contact at healthcare workers kundi kailangan ito ng lahat ng mamamayan lalo na ng mga manggagawa.

“We actually want to increase testing towards the 10 million mark to include the testing of workers  and to open up as many public transports as we can in the most safe way,” ani Chua.

Sa unang kuarter ng 2020, pumailanlang ang ekonomiya ng bansa sa 0.2 percent, pinakamababa sa loob ng halos dalawang dekada dahil sa pagsabog ng Taal volcano, pagbagsak ng turismo at negosyo dahil sa COVID-19 at pagpapairal sa ECQ.

 

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with