^

Bansa

Pagtatayo ng sementeryo sa Cebu para sa COVID-19, ipinatigil ng DENR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapalawak ng lote ng bagong sementeryo sa Cebu City dahil sa illegal na pagpuputol ng puno doon ng walang kaukaulang permit mula sa ahensiya.

Ang gagawing pagpapalaki sa sementeryo ay paglilibingan sana ng mga namatay sa COVID-19 sa lungsod.

May 300 mahogany trees sa Sitio Katives Barangay Guba, Cebu ang kabuuang puno na puputulin sa lugar para bigyang daan ang pagpapalawak sa sementeryo doon. Ang lugar ay gagawin sanang Cebu City Botanical Memorial Garden.

Ayon kay Mardione De Los Reyes, forester ng Enforcement and Monitoring Section ng Cebu City Environment and Natural Resources office, nagsasagawa sila ngayon ng imbentaryo para mairecord ang naputol na mga puno sa lugar at makagawa ng kaukaulang imbestigasyon hinggil dito.

Paliwanag naman ni Cebu City Councilor David Tumulak, ang proponent ng ordinance para sa pagtatayo ng pinalalawak na  city-owned cemetery, na hindi naman ikinokonsidera ng DENR na ang mahogany ay isang endangered species at wala ring pagtutol sa pagpuputol ng puno ang nagtanim ng punong ito sa lugar.

Anya, dapat ikonsidera ng DENR ang planong pagpapalawak ng sementeryo sa Cebu para paglibingan ng tumataas na bilang ng namamatay sa COVID sa lungsod.

 

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with