^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala nang takot ang mga kriminal

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Wala nang takot ang mga kriminal

Nakaaalarma na ang mga sunud-sunod na pagpatay na karamihan ay nangyayari sa Metro Manila. Balewala na ang buhay na parang manok lang na binabaril at saka iiwang kikisay-kisay. Kamakailan lang may binaril na barangay chairman, hepe ng pulis at kagawad at nangyari ang mga ito sa kaliwanagan o katirikan ng araw at sa karamihan ng tao. Wala nang takot ang mga kriminal ngayon na karaniwang ginagawa ang pagpatay habang nakasakay sa motorsiklo. Mula nang mauso ang pagpatay gamit ang motorsiklo o ang tinatawag na riding-in-tandem, sunud-sunod na ang mga krimen. At karamihan sa mga kriminal ay mabilis na nakata­takas.

Noong Martes, isa na namang pagpatay ang na­ga­nap at tulad nang dati, nakatakas na naman ang mga kriminal. Sa pagkakataong ito, hindi motor­siklo ang gamit ng mga kriminal kundi itim na SUV. Ang napatay ay si prosecutor Jovencio Senados. Patu­ngo si Senados sa Manila City Hall dakong alas onse ng umaga nang pagsapit sa Quirino Ave­nue­, Maynila, isang itim na SUV ang dumikit sa kan­yang sasakyan at binaril ang prosecutor na tinamaan sa mukha. Hindi naman tinamaan ang kan­yang driver.

Ayon sa driver, galing sila ni Senados sa bahay­ nito sa Banlic, Calamba, Laguna. Habang patungo umano sa Maynila, napansin na nito ang itim na SUV na nasa hulihan nila. Mayroon pa umanong backup na sasakyan ang SUV. Pagdating sa Quirino­ Avenue, doon na naganap ang pagbaril sa 62-anyos­ na prosecutor.

Wala pang lead ang Manila Police District sa krimen. Ayon sa report, wala namang pagbabanta sa buhay ni Senados. Wala rin itong kaaway at kilalang mabait na tao. Pangulo umano ito ng Parish Pastoral Council sa Calamba.

Humihingi ng hustisya ang mga kaanak ng pro­secutor. Gawin sana ng MPD ang lahat nang paraan para mahuli ang mga salarin. Hindi sana ito ma­ging katulad ng ibang krimen na hindi na nalutas at na­iwang nanlulumo ang mga naulila.

Malakas ang loob at wala nang takot ang mga kriminal ngayon dahil nasisigurong walang pulis na nagpapatrulya sa mga kalye at matataong lugar. Pagtuunan sana ito ng pansin ng PNP.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with