^

PSN Opinyon

Walang kuwentang pulis

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Kapag mga ganitong uri ng balita ang nababasa ko, parang ayaw ko nang magbukas ng internet. Dalawang pulis mula sa Ilocos Sur ang kinasuhan na ng PNP kaugnay sa pagpatay sa 15-anyos na babae na nagsampa ng reklamong panggagahasa laban sa kanilang dalawa.

Hinuli ang biktima at ang kanyang pinsan dahil sa paglabag umano sa curfew. Dito na sila minolestiya umano nina Police Staff Sergeants Randy Ramos at Marawi Torda.

Nang pauwi na matapos magsampa ng reklamo, dito na tinambangan. Buhay naman ang pinsan ng biktima. Mabuti naman. Sino pa ba ang papatay sa kanya? Labin­limangtaong gulang, sino pa ba ang kalaban niya?

Hindi na nagpigil si PNP Chief Gen. Archie Gamboa sa kanyang mga salita laban sa dalawang pulis. “Mga walang kuwentang pulis. They are not men in uniform but ani­mals who deserve to be jailed for life.”

Ang nais ni Gamboa ay mapabilis ang kaso laban sa dalawa para makulong na panghabambuhay. Ang nais ay tulungan lahat ng testigo para nga makulong na. Ga­gawa rin ng sariling imbestigasyon ang Napolcom. Baka dapat sumali na rin ang NBI para makatulong.

Mabuti naman at ganito ang saloobin ni Gamboa. Akala ko ipagtatanggol pa kahit papaano. Ito ang dahilan kung bakit napakahirap baguhin ang imahe ng PNP sa mamamayan. Puwedeng sabihin na dalawa lang sila sa libu-libong maaayos na pulis.

Ang problema, alam ba ng biktimang iyon noong hinuli siya dahil sa paglabag sa curfew? Alam ba natin kung sino ang mga maayos at kung sino ang mga halimaw? Hinuli para sa maliit na paglabag. Imbes na tulungan nang makauwi, pinagsamantalahan pa. Ang lakas ng loob ng bik­tima at nakuhang magreklamo. Pero walang laban naman ito sa bala ng mga demonyo.

Pulis na pumatay sa sundalong may sakit. Mga pulis na pumatay sa apat na sundalo. At ngayon, mga pulis na nangmolestiya at pumatay umano sa batang biktima.

Kailan mangyayari na puro magagandang balita lang ang mababasa natin hinggil sa mga pulis? Kailan mawawala ang pangamba ng mamamayan kapag nilapitan o kinausap lang ng pulis?

Nasa kamay ng sistema na ang mangyayari sa dalawang halimaw. Sana ay mapabilis nga para magsilbing babala sa mga hindi kanais-nais na mga “tagapatupad ng batas”.

vuukle comment

ARCHIE GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with