Lagi ka bang pagod? Subukan ang tips na ito
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2020 - 12:00am

Kung kayo ay palaging nakadarama ng pagod (fatigue), subukan ang mga sumusunod na payo at baka makatulong sa inyo.

l Magkaroon ng sapat na tulog sa gabi. Matulog ng pito hanggang walong oras na tuluy-tuloy at hindi naiistorbo.

l Sundin and schedule ng pagtulog. Regular na ma­tulog at gumising sa parehong oras araw-araw.

l Bigyan ang sarili ng oras para mag-relax. Humingi ng tulong sa iba kung masyado nang marami ang trabaho o pagod na.

l Iorganisa ang pang-araw-araw na schedule. Unahin ang mas importanteng gawin. Okay lang na hindi ito tapusin lahat.

l Alamin ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng stress. Bawasan o iwasan ang mga ito.

l Mag-ehersisyo sa umaga sapagkat nagbibigay ito ng lakas sa katawan at nagpapaganda ng isipan.

l Paramihin ang sariwang hangin sa iyong bahay at trabaho. Ang sariwang hangin ay nagbibigay ng lakas.

l Balansehin ang kakainin. Kumain nang maraming prutas, gulay, at whole grain.

l Kumain ng masustansyang almusal at huwag na huwag magpapalipas ng gutom.

l Kung sobra sa timbang, magdiyeta nang dahan-dahan.

l Iwasan ang sobrang pagbawas sa pagkain dahil baka naman manghina ang katawan.

l Uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig.

l Kung ang ihi ay malinaw ang kulay, ibig sabihin nito, sapat ang iniinom na tubig, ngunit kung sobrang dilaw kinakailangang uminom nang maraming tubig.

l Tingnan ang mga gamot na iniinom. May mga gamot na ang side effect ay nakapagdudulot ng fatigue.

l Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng lebel ng pagod.

l Bawasan o itigil ang pag-inom ng alak at kape sapagkat ang mga ito ay nakaaapekto sa maayos na pagtulog.

l Kung ang pagod ay patuloy pa rin kahit may sapat na pahinga at nagtagal ng dalawang linggo o higit pa, maaaring may ibang sakit na kailangang gamutin. Kumunsulta sa inyong doktor.

DOC WILLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with