Bakit ngayon lang sila pumalag sa Anti-Terror Law
UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

Ayaw tumigil ng mga kumokontra sa Anti-Terrorism Bill. Iba-ibang personahe ang tumututol --- may mga nasa akademya, nasa simbahan, pulitiko at mga civic group.

Hindi ko na kailangang isa-isahin ang kanilang mga pangalan dahil naglabasan na sa iba’t ibang media.

Ang magandang sitwasyon sa puntong ito ay nagbigay na ng pahayag ang Palasyo sa mga umaapela’t kumokontra.

Tutugon ang pamahalaan.

Yuyuko sa anumang magiging desisyon ng Korte Suprema sa inihahaing temporary restraining order at writ of preliminary injunction.

Kapag hindi pa kuntento sa desisyon ng Korte Suprema, puwede pa itong dalhin sa international court.

Eto naman kasi ang saysay ng demokrasya sa Pili­pinas may malayang pamamahayag, malayang kumontra sa ma­pa­yapa at matuwid na pamamaraan.

Tulad nga ng kontrobersiyal na Anti-Terror Law na pinagduduldulang labag sa konstitusyon o Saligang Batas­.

Ang nakakatawa kasi sa mga kolokoy at kolokay, nagkaroon nang mahabang panahon ng deliberasyon pero hindi sila nagsipagpalagan.

Nagkaroon ng imbitasyon at representante ang lahat ng sektor ng lipunan kasama na rito ang Commission on Human­ Rights (CHR) at si Sen. Risa Hontiveros bilang representante ng Liberal.

Mula sa pahayag ni Sen. Ping Lacson sa media, wala naman daw ginawang mga pagtutol at sa halip ay isinama pa sa probisyon ang kanilang mga rekomendasyon.

Ang ending, nagsilutang ang mga balimbing at may mga sakit na kalimot.

Nasa publiko na ang pag-oobserba, unti-unti na nating­ nakikilatis ang uri ng mga pulitikong iniluklok natin sa pu­westo.

Nasa ating mga kamay na kung meron pang “next time.”

ANTI-TERRORISM BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with