Pastor dumepensa sa Meralco billing
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

Isang Christian Pastor na si Daniel Feliciano, dating Meralco process analyst ang nag-post sa FaceBook ng kanyang paliwang kung bakit malaki ang singil ng Meralco sa panahong may umiral na lockdown. Malinaw ang paliwanag niya. Nalulungkot daw siya sa impresyon ng iba na sinamantala ng Meralco ang pandemya para makapagtaas ng singil.

Paglilinaw niya dahil sa lockdown, hindi nakapagbasa ng metro ang Meralco sa loob ng 2 hanggang 3 buwan kaya ang billing ng consumers ay estimated o tinantya lang mula Marso hanggang Mayo. Ang pinagbasehan ay ang pani­ningil sa naunang nagdaang tatlong buwang konsumo.

Nang makapagbasa ng metro nitong Hunyo, lumabas ang totoong nakonsumo ng mga consumers. Aniya “The present reading reflected minus the month with the previous reading shows our consumption.” Dagdag niya “take note that our meter’s reading is cumulative, and not being reset every month.”Kung sa tingin daw natin ay malaki ang siningil sa atin nitong Hunyo, ito ay dahil “underbilled” tayo sa mga nakaraang buwan na hindi naka­pagbasa ng metro.

Ipinapayo ng Pastor na bago tayo maghinala at mag-akusa, pakasuriin muna ang meter reading. At kung hindi tayo marunong, kunan natin ng larawan sa cellphone ang reading ng metro at babasahin niya para sa atin ito para tayo maliwanagan ng husto.

Dagdag niya “dahil sa lockdown, nasa bahay lang ang buong mag-anak, asahan natin na dadalas ang gamit sa mga appliances at electric gadgets, lalo na dun sa may mga aircons.” Baka naman daw napasobra tayo sa gamit ng aircon at nang dumating ang “estimated bill” inisip natin na ok lang gamitin dahil maliit lang ang bill natin.

Dagdag pa ng Pastor, normal lang na nagtatanong tayo o nagrereklamo kung bakit tumaas ang ating konsumo at normal din na magbigay ng paliwanag ang mga kinauukulan para maunawaan nating ang dahilan. Ako, nauunawaan ko na.

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with