EDITORYAL - Disiplina sa pagtatapon ng used face masks
(Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2020 - 12:00am

NGAYONG nananalasa ang COVID-19 sa bansa at tumataas pa ang bilang (44,254 na ang kaso kahapon), lumulutang din ang kawalan ng disiplina at grabeng kamangmangan ng mga tao. Nakita ang kawalan ng disiplina sa walang patumanggang pagtatapon sa kung saan-saan ng used face masks. Sa halip ibasura o itapon nang maayos sa isang lalagyan, kung saan-saan na lang itinatapon at karamihan ay makikitang nakakalat sa kalsada.

Kung tapon lamang nang tapon ng masks at iba pang ginamit o sinuot na pamproteksiyon, maaaring­ kumalat nang kumalat ang virus. Wala nang paghupa at maraming mahahawahan ng virus. Ang mga ginamit na disposable single-use masks at iba pang protective equipment ay nararapat nakahiwalay sa ibang mga lalagyan at itatapon nang maayos. Ang hindi maayos na pagdi-dispose ng mga ito ay maaaring maging dahilan nang pagkalat ng virus. Ang virus ay nagtatagal sa masks at iba pang protective equipment ng siyam na araw kaya posibleng dito magmula ang pagkalat ng sakit.

Kapansin-pansin ang mga nagkalat na single-use face masks sa kalsada sa maraming lugar sa Metro Manila. Maaaring itinapon ang mga ito nang walang disiplina at mangmang na mamamayan at maaari rin namang nalaglag sa mga garbage truck na hindi isinaayos ng mga wala ring disiplinang mga basu­rero.

Halos araw-araw, may mga used face masks na makikita sa mga kalsada at tinatangay-tangay ng hangin kapag may dumaan na sasakyan. Kung may COVID-19 ang nagsuot ng mask, tiyak na patalun-talon din ang virus na taglay. Walang tigil sa paglipat-lipat.

Nagbabala ang mga environmentalists na ang hindi maayos na pagdi-dispose ng mga single-use face masks ay mako-contaminate ang kapaligiran at magkakasakit ang mga tao dahil source ito ng infection.

Maraming magkakasakit kapag hindi nagkaroon ng disiplina at talino sa pagtatapon ng ginamit na face masks. Halos alam naman ng lahat na bawal ang basta­ magtapon ng mga bagay na ginamit na lalo pa ngayong may pandemia. Sana magkaroon ng disiplina at maging matalino sa pagtatapon ng basura.

FACE MASK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with