Contact tracing app uubra kung boluntaryo
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2020 - 12:00am

HIHINGI raw ng permiso ang gobyerno na gamitin ang technology ng Google at Apple para sa contact tracing ng impektado ng COVID-19. Ikakabit ang Exposure Noti­fication software sa StaySafe.ph app na ginagamit na ng Department of Health para matunton ang mga na-expose. Sa gayun agad silang mate-test, maihihiwalay, at magagamot.

Contact tracing ang mainam na pamalit sa lockdowns. Imbis na magkulong lang sa bahay ang mga tao, na hindi naman mapakain ng gobyerno at nakawasak lang sa ekonomiya, hahanapin ang may sakit. Nagsama ang magkaribal na Google at Apple sa pag-develop ng software na magagamit sa Android at iOS gadgets. Isasakay ito sa StaySafe.ph na gawa ng Multisys Technologies Corp. sa tulong ng PLDT.

Uubra sa Pilipinas ang contact tracing app kapag ito’y boluntaryo. Hindi puwedeng sapilitan na estilo sa China, kung saan lahat ng mamamayan ay sinu-surveillance ng mga naghaharing komunista. Buwisit ang mga Pilipino sa pagtugis ng PNP at NBI sa maliliit na tao na nagsasaad lang ng opinyon kontra sa ilang opisyales.

Dapat kanya-kanya ang pagkabit ng app sa smartphone. Hindi kailangang magbigay ng sensitibong impormasyon na maari magamit sa abuso: pangalan, tirahan, edad, kasarian, trabaho, o kita. Sa Bluetooth o Wi-Fi mare-record ng user ang ibang users na nakasalamuha. Pero coded ang record, walang numero ng telepono. Kapag naimpekta o nagka-symptoms ang user, ire-report niya sa system. Muli walang identity o location. Iaalerto ng system lahat ng na-expose sa kanya kamakailan. Lahat sila ay hihikayatin magpatingin o mag-self-quarantine. Tulong-tulong ang lahat; responsable ang bawat indibidwal.

Labas dapat ang estado sa sistema. Ang partisipasyon ng gobyerno ay magturo lang kung saan malala ang outbreak; paano magpapa-test ang na-expose; ano ang mga pag-iingat sa sarili, pamilya, at katrabaho. Dapat may regular na independent audit ang sistema.

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with